Karina WE DID BRACE ourselves. Pero hindi pa rin ako naging handa sa panibagong plot twist. Dalawang oras pagkatapos ng meeting namin kay Miss Anne ay kumalat sa social media ang larawan ni Jaime kasama si Kaye. Pareho silang hubad at nasa kama. Pamilyar sa akin ang larawan. Iyon ang eksenang nadatnan ko sa kuwarto niya ilang taon na ang nakakaraan. Nasiguro ko iyon dahil sa screenshot ng EXIF data ng picture. Nakalagay roon ang kompletong detalye: the date it was taken on, file info, where it was taken. Na-expose rin na matagal nang may relasyon ang dalawa. May relasyon na sina Jaime at Kaye habang karelasyon ako ni Jaime. Kumalat ang info na wala na talaga kaming relasyon ni Jaime sa totoong buhay. Hindi natapos doon ang paglitaw ng mga larawan nina Jaime at Kaye. Kada oras ay may ba

