Adan “ANO NA ANG mangyayari kay Rianne?” Hinagkan ko ang noo ni Karina bago ko siya sinagot. “Pagkatapos ng retirement?” Nasa terrace kami ng suite niya. Magkasama kaming dalawa sa isang chaise lounge. Magkayakap at ayaw pang maghiwalay. Maagang-maaga pa. Halos kasisikat pa lang ng araw. Tahimik na tahimik sa paligid. Sa suite na iyon ako nagpalipas ng gabi. Hindi tumutol si Mr Ortiz. We just held on to each all night. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap dahil pareho kaming emosyunal. She cried for a very long time and she just broke my heart. Hindi ko gustong nakikita siyang umiiyak nang ganoon kahit na medyo nauunawaan ko naman. She’s crying for two, she said. “Oo, pagkatapos ng retirement. What is she going to do?” “Tatapusin niya ang mga committment niya. Pagkatapos ay s

