Adan “I THINK WE should hang out in your place next time,” ang sabi ko kay Karina habang inilalapag ko sa coffee table ang bowl na naglalaman ng slices of fruits. Tinabihan ko siya sa dambuhalang sofa at hinagkan ang pisngi. Nasa living room kami nang araw na iyon. Pareho kaming walang trabaho. Pagkatapos ng mga meeting niya kahapon ay sa penthouse ko na siya umuwi. “Ayaw mo na ba ako rito?” Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata. “Magsabi ka nang totoo.” Natawa ako. “I love having you in my space. I like seeing your stuff around.” Puno na ang banyo ko ng mga skincare products niya. Minsan ay ginagamit ko pa ang face cleanser and massager niya. I emptied a few drawers for her things. Napansin ko rin ang ilang abubot na bigla na lang sumusulpot sa spaces ng penthouse. Mga mumunting

