Karina PINAGSUMIKAPAN KONG HUWAG ipakita ang totoo kong nadarama. Siyempre ay kinakabahan akong makilala si Victoria Caruso. She’s one of the powerful women in this country. She’s in the real estate business. A very successful woman. She’s quite intimidating as is. Hindi ako sigurado kung paano pakikitunguhan ang katulad niya. Labis kong ipinag-aalala na baka hindi niya ako magustuhan para sa anak niya. Baka hindi ako maging good enough. Hindi mahalaga ang sinabi ni Adan na fan ko ang mom niya. Adan’s mother lives in an exclusive gated community. Hindi na ako nagulat nang malaman na nakatira siya sa isang white mansion na may malaking yard. “Wow,” ang hindi ko napigilang maibulalas habang papasok ang sasakyan sa driveway. “It’s grand.” “It is. Minsan ay naitatanong ko kung hindi ba si

