"Nahihibang ka na ba, Miguel?! Alam mong isang napakalaking pagtataksil ang ginawa mong pagligtas sa kanya! Ang mga tao ay pagkain! Ipaubaya mo na sa akin ang batang iyan, at nang madala ko sa pinuno!" dinig kong wika ng isang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha nito sapagkat ang aking mga mata ay nakapikit pa rin. Animoy galing ako sa isang mahimbing na pagtulog. "Kaibigan ko siya, tol... At kahit anong mangyari ay hindi ko siya ipapaubaya sa iyo! Matagal na tayong magkaibigan kahit ito lang. Humihingi ako ng pabor sa iyo, hayaan na lamang natin siya!" Boses iyon ni Miguel. Teka asan ako? "Kaibigan? At kailan ka pa nagkaroon ng kaibigang tao? Alam mong hindi maaari ang gusto mo! Kapag malalaman ng ating pinuno ay talagang malalagot tayong dalawa!" "Kapamilya siya ni Inang Virgie,

