Alas dos ng hapon ay nabuburyo ako ng lubos, dahil sa buong araw ay nasa loob lang ako ng bahay. Nalowbat na rin ang aking cellphone, kaya hindi na ako makapaglaro ng paborito kong application game, para kahit kunti ay malibang man lang ako. "La, gala lang ho ako sa labas." Tumigil muna siya sa pagtatahi at ibinaleng ang atensiyon sa akin. "Huwag kang magpakalayu- layo. Lalo na, huwag kang magtungo kahit sa bungad man lang ng gubat. Maraming mga ligaw na hayop doon, at baka atakehin ka pa..," mahigpit na bilin niya sa akin. "Sandali lang..," Nakita ko siyang tumayo, at naglakad papasok sa loob ng kanyang kwarto, at noong lumabas na siya ay may nakita akong jacket na may hood, bitbit niya ito. "Ito, isuot mo ito," inabot niya sa akin na tinanggap ko naman. "Mahina ang kanilang pan

