Lola

1033 Words
Nagising ako kinaumagahan, dahil sa mga tilaok ng mga manok sa labas. Tinatamad akong bumangon marahil ay di ako sanay para magising ng ganito ka aga. Ibang iba talaga ang buhay ng baryo kumpara doon sa bayan. Bigla ko na namang naalala ang mga nangyayari kagabi. Hindi ko alam kung panaginip lang iyon, o ano dahil pagising ko ay nakahiga naman ako sa banig ni inilitag ni lola para sa akin. Napailing iling na lang ako. Siguro ay panaginip ko lang ang bagay na iyon, dahil sa pagod ng aking paglalakbay patungo rito.Matapos ligpitin ang mga hinihigaan, napagpasyahan kong lumabas sa aking kwarto. Paglabas ko sa pinto ay tahimik na nadatnan ko ang lola na nagluluto ng almusal. "Good morning po, la," masayang bati ko sa kanya. "Halika na. Mag agahan ka na ng makauwi ka na sa lungsod. Huwag ka ng magtagal pa rito, apo," malamig na saad niya sa akin. Malungkot ko siyang tiningnan. "'La, naman gusto ko pa dito. At isa pa, bakasyon naman. Pumayag ka na. Sasamahan muna kita rito, kahit sa sandaling araw lang." Naglakad ako palapit sa kanya, at pagkatapos ay niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "Sige na, la. Namiss ko lang kayo, at gusto ko munang samahan ka gayong wala naman akong pinagkakaabalahan doon sa bayan," malambing na pakiusap ko sa kanya. Bumuntong hininga siya. "Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Katulad na katulad ka talaga ng mama mo! Sige, basta isang linggo lang, ha?" alanganing saad niya. "Yes!" natutuwang pahayag ko." Opo, la." Masaya kaming nag agaha'ng dalawa. Kinukwento ko sa kanya ang mga masasayang karanasan ko doon sa bayan. "Eh, la.., bisitahin mo naman kami ni mommy doon madalas sa bayan. Eh, sa pagkakatanda ko, last two years ka pa mula noong huling dumalaw ka doon. May hindi ba kayo pinagkasunduan ng mama?" usisa ko sa kanya. Nakita kong uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Hindi naman sa ganoon apo. Malayo ang bayan. At isa pa nakakapagod ang maglakbay patungo doon. At pagkarating ko doon ay napakaingay pa. Naku! Mabilis akong mamatay doon dahil sa polusyon." Natawa na lang ako sa ibinunyag niya. Mayamaya pa, natigil ang aming masayang pag uusap, at napukol ang tingin naming dalawa sa pintuan palabas ng bahay, nang marinig namin ang pagkatok mula doon. "Sandali, lang..," saka tumayo ang lola, at naglakad patungo sa pinto at binuksan niya iyon. "Magandang umaga sayo, ninang Virgie," dinig kong pagbati ng isang batang babae sa aking lola. Hindi ko maaninag ang mukha nito, dahil natatabunan ang bulto nito ng dahon ng pinto. "Magandang umaga din sayo. Naparito ka, Selena?" "Pinapahatid po ito ni inay. Saka po pinapatanong ka po niya sa akin, kung bakit wala ho raw kayo sa kasiyahan kagabi. Sayang naman daw, dahil tatlo po ang nabihag nila kagabi," dinig kong saad ng kanyang kausap. "Sa-sabihin mo sa inay mo na may pinuntahan lang ako kagabi," nagkandautal na sagot ni lola, saka nangangambang tumingin sa akin. "Ibig niyong sabihin na nangaso kayong mag isa? Mahigpit na ipinagbawal ni pinuno iyon." tanong muli ng kausap ni lola sa labas. "Hindi.. basta may ginawa akong importante. Sabihin mo, sasama na ako sa susunod." di mapakaling sambit ng lola. "Sige po ninang. Balik na po ako sa bahay. Hinahatid ko lang po itong ulam, na pinapaabot ni inay." "Sige... Sabihin mo sa nanay mo, salamat." "Sige po, tuloy na po ako." Muling dumako ang tingin ko sa kinaroroonan ni lola, nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Nakita ko siyang may bitbit na mangkok. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang 'di mapakaling mukhang tumabad sa akin, na rumehistro sa kanyang kulubot na mukha. Nanginginig pa ang kanyang kamay habang inilapag ang mangkok na bitbit na may lamang umuusok pang nilagang karne. Ibang iba ang bango, at halimuyak nito na nanunuot sa aking ilong. Mukhang masarap kaya mas lalo akong ginanahan sa pagkain. "Mukhang masarap yan la, ah. Dinig kong ulam daw iyan," ang masayang sabi ko, habang isinantabi ko na lamang ang kakaibang reaksyon niyang ipinakita sa akin ngayon. Sinunggaban ko ang mangkok, pero napatigil nalang ako nang mabilis niya iyong inilayo sa akin. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Hindi.." matigas niyang sabi.Nakatirik pa nga ang mata niya sa akin."Di-diba vegetarian kayo?" "La, si mommy lang po ang vegetarian sa amin. Kumakain po ako ng karne." Paliwanag ko. "Pagbigyan niyo na po ako la, nang matikman ko naman po ang mga lutong pagkain ng baryong ito," pakiusap ko. Hindi na tumugon pa si lola, at hinayaan na lang akong kumuha ng isang hiwa doon sa nilagang karne. Napayuko na lamang ito, tila ba sumusuko sa katigasan ng aking pagpupumilit. "Malalagot ako ng mama mo nito," mahina, at frustrated niyang bulong. Napahilot pa ito ng sintido na ikinatawa ko na lamang. Hindi rin naman niya ako masisisi. Minsan lang ako mapadpad sa lugar na ito, kaya ganito na lamang ang aking kagustuhang iexplore ang baryo, kung saan si mommy lumaki. Ewan ko ba kay mommy, di ko siya maintindihan, dahil parang sinumpa niya ang baryong ito. Marinig niya lang ang pangalan nito'y mukha na siyang mangangain ng tao dahil sa inis. Animoy galit na galit siya sa tahanang ito. "La, bakit kakaiba ang lasa ng karne na ito? Anong hayop ba ito?" tanong ko sa kanya matapos lunukin ang isang malaking hiwa na kinagat ko. Mapakla iyon na matabang. Ewan di ko maintindihan ang lasa niyon. Kakaiba siya sa lahat ng karneng natikman ko. "'Yun na nga ang sabi ko, sayo! Hindi mo magustuhan ang lugar na ito apo, mas nakakabuting doon ka na lamang sa bayan." pakiusap niya sa akin. "Ano ka ba.., la? Masasanay din ako rito. Gusto ko rin namang maranasan ang buhay na meron si mommy noong lumaki siya sa baryo na ito. Nakapagtataka lang po kasi la, eh, bakit parang ayaw niyang umuwi dito? Pagkakatanda ko, mga tatlong taong gulang palang ako noong huling bisita namin sa inyo rito." "Bakit hindi mo tanungin sa mommy mo? Basta apo, binabalaan kita. Dito ka lang sa loob ng bahay, at isara mo lahat ng bintana, at pinto ng kwarto mo, lalo na't sa pagsapit ng dilim." At muli'y nabuhay ang munting kaba sa aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD