Ang Gubat

1917 Words
Tuluyan ng nilamon ng dilim ang buong kapaligiran. Ang  mga pawis ni  Shaun ay nagsimula ng kumawala sa kanyang mukha na tumutulo paibaba sa kaniyang puting damit. Ang minsang puting sapatos ng lalaki ay naliligo na sa putik. Hapong hapo na ang lalaki. Mababakas sa  nangangalay na kamay nito ang pagod dahil sa matagal na oras na pagbitbit niya ng kaniyang may kabigatang maleta. Mahaba haba na ang kaniyang nalakad mula sa nadaanang arko ngunit hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin niya narating ang looban ng baryo. Hindi niya alam kung tuluyan na siyang naligaw o, ano sapagkat hindi pamilyar sa kaniya ang pasikot sikot sa gubat na nilalakbay. Biglang may narinig siyang isang kaluskos!  Nagmula iyon sa itaas ng puno na may malalagong berdeng dahon. Tiningnan niya ito ng maigi mula sa namimilog niyang mga mata. Ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang mula doon sa malalagong dahon, may lumitaw na dalawang pares na mapupulang mga mata. Unti-unti siyang napako sa kaniyang kintayuan. Hindi niya maalis ang kaniyang paningin sa tanawing tumambad sa kanya sapagkat ang mga mata ring iyon ay mariing nakatitig sa kanya! Unti- unting dumaloy ang takot sa kanyang mga kalamnan. Hindi siya matatakutin ngunit iba ang kaniyang pakiramdam sa sandaling iyon. Kinurap kurap ng lalaki ang kanyang mga mata, ngunit nang tiningnan niya ito muli, bigla na lang itong nawala! Pilit na ipinagsawalang bahala na lang ni Shaun iyon. Inisip na lang niya na pawang  imahinasyon lang niya ang pangitaing nasaksihan dahil sa pagod na nararamdaman. Ngunit sa sandaling iyon, mas binilisan niya ang kaniyang paghakbang. Hindi man niya aaminin ngunit nanatili sa kaniya ang pangambang  hinay hinay na nabuhay sa ilalim ng kanyang dibdib. Kinapa niya ang kanyang cellphone  na nakalagay sa loob kanyang bulsa para gamiting tanglaw. Masyado ng madilim ang kapaligiran ni hindi na niya makita pa ang daang nilalakaran. Agad na nangunot ang kanyang noo nang makitang walang ni isang signal ang naroon sa kanyang cellphone. Biglang umihip ng malakas ang malamig na hangin. Ang lamig nito’y nanonoot sa kanyang balat! Pati ang hibla ng kaniyang buhok ay nilalaro din nito. Ngunit ang nagpahiwaga sa kanya ng lubos, nang mapansin na hindi man lang gumalaw ang mga dahon sa kaniyang harapan sa kabila ng kalakasan ng hanging humahalik sa kaniyang balat. Unti-unting nanindig ang kanyang balahibo sa katawan. Sa pagkakataong iyon, ay  mas nadagdagan pa ang pangamba sa kaniyang dibdib dahilan para marinig niya ang pagtambol ng kanyang puso. Palakad takbo na ang kaniyang ginawa dahil sa pagnanais na makaalis sa gubat na kinasadlakan. Ngunit hanggang sa kasalukuyang iyon ay wala pa ring kabahayan ang tumambad sa kanya. Mistulang  walang hangganang gubat at talahiban ang kanyang nilalakbay. Ilang sandali pa, bigla na naman siyang napahinto nang marinig niya ang marahas na pagalaw ng mga sanga sa kapaligiran! Animoy may kung anong mga nilalang ang tumalon mula sa malalagong sanga ng mga punong nakapalibot sa kanya! Pinakiramdaman niya ang paligid. Wala ni isang kuliglig, o kulisap ang lumilikha ng mga ingay. Mabilis na dumako ang kanyang paningin sa talahiban, nang marinig ang ilang kaluskos doon. Wala siyang nakita! Muli na namang narinig niya ang kaluskos! Sa pagkakataong ito, hindi na  nagmula sa mga talahiban kundi malapit na malapit na ito sa mismong harapan niya na nagmumula sa makapal na nakaumbok na mga baging na nasa kaniyang harapan. Itinutok niya ang flashlight ng kanyang cellphone sa mga baging, ngunit labis ang kanyang pagtataka, nang muli, wala siyang makitang kahit anong gumagalaw sa looban nito. Nang alisin na sana niya ang ilaw, domoble pa ang panlalaki ng kanyang mga mata dahil sa labis na pagkasindak nang may tatlong paniki ang biglang lumabas mula sa  mga nakakumpol na mga baging! Pula ang mga mata nito na labis na pinatingkad ng flashlight ng kaniyang cellphone. Nakikita rin niya ang matutulis na mga pangil nito na naglalaway. Lumipad ang mga hayop ng marahas patungo sa mukha niya dahilan para mapasigaw siya sa  labis na pagkagulat! Winasiwas niya ang kanyang kamay, upang madepensahan ang kanyang mukha. Mabuti na lang  lumipad ang mga iyon palayo sa kanya. Nakahinga na sana siya ng maluwag ngunit, dahil sa ginawang pagtili, biglang dumarami ang mga kaluskos na ngayon ay pumupuno sa buong kagubatan! Ang paggalaw ng mga dahon at ang tunog pagkabali ng mga sanga ay mas dumoble pa! Papalapit ito patungo sa kung saan siya naroon! Animoy pinalibutan siya ng mga ito!  Hindi niya niya mawari kung ano ang pinagmulan ng mga kaluskos ngunit alam niyang nasa panganib siya sa sandaling iyon. Kailangan niyang makaalis agad sa gubat na kinaroroonan. Ngunit paano, gayong hindi nga niya alam kung tama pa ba ang daan na kaniyang tinatahak! Nanginginig ang  kalamnan ni Shaun dahil sa takot. Nais na niyang makaalis sa lugar na kinasasadlakan, ngunit hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa paalis sa lupang tinatayuan. Nanlalamig ang kanyang mukha, dahil sa tensyong naramdaman. Umiigsi ang kaniyang paghinga. Ang kaniyang labi ay unti-unting nangatal. Bakas rin sa kanyang malilikot na mga mata ang matinding kilabot na namayani sa kaniyang buong katauhan. Maya’t maya pa ay muli siyang napasigaw nang  bigla na lang may isang malaking itim na aso ang tumambad sa kaniyang harapan! Dahil sa labis na pagkagulat, nabitawan niya ang maletang dala dahilan para ito ay gumulong patungo sa kaniyang paanan. Sobrang laki ng aso, kumpara sa isang normal na aso na nakikita niya sa lungsod. Mabangis itong lumapit sa kanya! Ang kulay dilaw nitong mga mata ay tila kutsilyong nakamasid sa kaniyang mga galaw dahilan para mapaatras din siya ng dahan dahan. Nanginginig niyang sinubukang  bugawin ang asong iyon ngunit wala ni isang tunog ang lumabas mula sa kaniyang bibig na mahigpit na nakatikom dahil sa labis na pagkahindik. Ang kulay dilaw na mga mata ng hayop  ay biglang napalitan ng tila kulay dugo! Ngunit, ang lubos na nagpanginig kay Shaun ang unti-unting pagngisi ng aso sa kanya kasabay ng pagtulo ng malalagkit na laway mula sa matutulis na nakausling mga pangil nito! Tila isa itong asong ulol na gutom na gutom! Hindi man aaminin ni Shaun sa kaniyang sarili ngunit alam niya na ang hayop na kaharap ay hindi mag-alinlangan sa paglapa sa kanya! Marahil ito na ang kaniyang katapusan! Patuloy ang kaniyang pag-atras hanggang sa naramdaman niya ang pagbangga ng kaniyang likuran   sa matigas na puno, dahilan para hindi na siya makaatras pa. Napasambit na lang siya sa pangalan ng mga santo, hinihiling na sana makaligtas siya sa panganib na nag-aabang sa kaniya! Mas lalong lumalim ang  paghinga ni Shaun, dahil sa kabang bumabalot sa kanyang dibdib. Wari bang tumalon patungo sa kaniyang tainga ang kaniyang puso dahilan para mabingi siya sa marahas na pagtibok nito. Ito na yata ang kanyang katapusan! Biglang umalulong ng malakas ang aso! Mabagsik ang mga galaw nito  na maiksing tumalon sa kanyang katawan! Pumaibabaw ito sa kanya saka mabagsik na nagwawala, dahilan para matumba siya! Tuluyan nakapatong ang hayop sa ibabaw ng kaniyang dibdib! Napasigaw  si Shaun ng malakas! Ang palahaw na iyon ay pumailanlang sa bawat sulok ng kagubatan! Pilit siyang nagpupumiglas! Ang kaniyang dalawang mga kamay  bagamat nanginginig, ngunit nakakuha siya ng pagkakataon na mahawakan ng mahigpit ang leeg ng hayop dahilan para hindi siya nakagat nito. Ngunit masyadong malakas ang hayop! Alam niyang hindi niya kakayanin ang lakas nito! Napatili siya!  Naramdaman niya ang pagkapunit ng kaniyang balat sa leeg nang maramdaman niya ang matutulis na  kuko ng hayop na ngayon ay bumabaon sa kanyang balat. Umagos ang dugo mula sa kaniyang sugat ngunit wala siyang nararamdang kirot. Marahil ay labis na nakatuon ang kaniyang utak sa asong patuloy sa pagwawala sa kaniyang ibabaw dahilan para hindi na niya mapansin pa ang malalaking hiwa sa kaniyang leeg. Akala ni Shaun ay iyon na ang katapusan katapusan! Ngunit biglang tumalsik paalis sa kanya ang aso nang bigla na lang may malaking itim na baboy ramo ang bumangga dito! Napakalaki ng baboy na iyon! Pula rin ang mga mata nito!   Sa sandaling iyon, malapit na siyang mahimatay! Sandaling tumitig sa kaniya ang mga mata ng baboy! Akala niya siya ang atakehin nito ngunit tumalikod sa kanya ang malahiganteng hayop! Mabilis ang mga kilos na tumalon patungo sa  asong sandaling naglupaypay sa lupa! Nagpagulong gulong ang mga ito! Bagamat naestatwa siya sa lupang binagsakan ngunit nakakuha siya ng lakas upang pagmasdan ang paraan ng paggpangbuno ng dalawang mabangis na hayop.  Madugo ang labanan ng mga ito! Narinig niya ang pagkabali ng mga buto mula sa katawan ng dalawang magkalabang panig. Biglang umatungal ang aso!  Ang himig nito'y  tila nasasaktan! Bigla itong kumaripas ng takbo palayo habang hinahabol naman ito ng baboy na kaaway nito. Nanginginig na napasandal  si Shaun sa puno! Hindi niya namalayan ang pagtulo ng isang butil ng luha sa kaniyang malilikot na mga mata. Nararamdaman na rin niya ang labis na pagkirot ng malaking sugat niya sa leeg na patuloy na nagdurugo. Hanggang sa kasalakuyang iyon,  hindi pa rin  siya makapaniwala sa pangyayaring nasaksihan. Isa lang ang nasa isipan niya ngayon. Mapanganib ang lugar baryo na patutunguhan! "Sino ka?"  isang tanong ang biglang nagpaangat ng mukha ni Shaun upang tingnan ang sino mang nagmamay-ari ng malamig na boses na iyon. Kinuha niya ang kaniyang cellphone na nakalatag sa kaniyang tabi sabay  tutok ng ilaw sa pinanggalingan ng boses. Muling nagbilog ang kaniyang dalawang mga mata nang tumambad sa kaniya ang isang estrangherong lalaki na nakatayo sa kanyang harapan! Hubot hubad ito! Ni isang saplot ay wala itong suot! Sunod na napansin ni Shaun  ang kulot at kulay gabing  buhok ng lalaki. Tumatabing ang ilang hibla ng buhok  sa morenong mukha nito na may dalawang pares na bilugang mga mata. Napakamisteryo para sa kanya ang mga matang iyon na wari bang maraming tinatago. Hindi niya alam kung matatakot ba siya sa paraan ng mga titig na ibinibigay ng estrangherong lalaki para sa kanya! "Anong ginagawa mo sa lugar na ito?"sunod na tanong nito sa kanya. Ang boses nito ay buo at baritono. Ngunit mababakas sa tinig nito ang pagbabanta! Muli niyang pinagmasdan ang lalaki. Dumapo ang kanyang paningin sa parihabang mukha nito na binabagayan ng isang panga na tila perpektong hinulma para bumagay sa kabuuang kagandahang lalaki nito. Kapansin pansin rin ang matangos na ilong nito na pinaparesan ng manipis na mga labi. Mas bumaba pa ang kaniyang mga tingin patungo sa  malapad na  dibdib ng kaharap na may nakaguhit na tatlong dumudugong linya ng sugat tila ba kinalmot ng isang higanteng nilalang. Maganda ang katawan ng lalaki na may malabatong abs sa tiyan. Walang wala iyon sa kanya na baby fats lang ang laman. Patuloy ang pagsusuri niya sa lalaki. Tantiya niya nasa 6'3 ang taas ng tindig nito. Hindi sinasadyang napadako ang kaniyang tingin sa malaking bagay na nakalambitin sa pagitan ng mga hita ng kaharap. Pinapalibutan iyon ng pinong balahibo. Bigla siyang nakaramdam ng hiya, wari bang sinilaban ang kaniyang mukha dahilan para mamula ang kaniyang pisngi dahil sa labis na pagkailang. Iniwas niya ang kaniyang paningin sa kahubdan nito upang muling ituon ang atensyon sa mukha ng estrangherong bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. "Pipi ka ba?" tanong muli ng lalaki nang hindi niya mahagilap ang kanyang dila para sagutin ang tanong nito. Bakas sa boses na iyon ang pagkayamot.  " Palagay ko ay hindi. Kung makatili ka kanina ay para ka namang hindi lalaki!" Hindi alam ni Shaun na ang mapupulang mga matang mariing nakatitig sa kanya mula pa kanina sa bungad ng kagubatan, ay pagmamay-ari ng estrangherong nasa kanyang harapan, ang binatang aswang, si Miguel na tila manghang mangha sa kagwapuhan taglay ng dayo na naglalakbay papasok sa munti nilang baryong puno ng 'di mapaliwanag na nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD