Ang Liblib na Baryo

1069 Words
Halos umurong ang aking mga paa sa tanawing nasaksihan ko ngayon! Animoy isang ghost town ang tumabad sa akin matapos ang walang hanggang paglalakad sa masukal na gubat! Ang mga kabahayan ay gawa lang sa pawid, at kawayan. Sarado ang lahat ng mga bintana sa bawat kubong nasisilayan ko. Napakadilim ng paligid, at tanging mga mumunting liwanag lang mula sa gasera, na lumusot mula sa kawayang dingding ang tila nagbibigay tanglaw sa buong kapaligiran. Napakatahimik ng buong tahanan, ni wala kang makikitang kahit isang tao na pagala-gala sa labas gayong hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi. Nakapagtataka, kung bakit wala man lang mga maliliwanag na ilaw sa lugar na ito, o kahit man lang street lights para magbigay liwanag sa mga taong dumaraan. Napahawak ako sa aking dibdib nang unti-unti na namang bumuhay ang kabang nararamdaman. Iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito! Ibang iba, at ang tanawing nasa harapan ko ngayon ay napakamisteryo sa aking paningin! Bumibilis ang t***k ng aking puso! Parang gusto ko ng umuwi sa bayan ngayon din! Sandali kong pinakalma ang aking sarili. Walang masamang mangyayari sa akin dito. Siguro hindi lang ako sanay sa katahimikan, at kapayakan ng tahanan, na malayong malayo ang sibilisasyon kumpara sa lungsod. Gulat akong napatingin sa kagubatang pinanggalingan namin. Narinig ko ang isang alulong ng aso na nagmumula doon! At kasunod niyon ay ang isang nakakabinging palahaw ng isang babae, ang pumunit sa tahimik na gabi, na labis na nagpapagimbal sa akin! At pagharap ko, lahat ng mga mumunting ilaw na nasa loob ng mga kabahayan ay biglang namatay! At ngayon ay pawang kadiliman lamang ang nakikita ko! "A-ano iyon?" nangangatal kong tanong sa lalaking kasama ko. "Anong nangyayari?" "'Wag mo ng pansinin iyon," di mapakaling sambit niya panay ang tingin sa gubat."Ligaw na hayop lang 'yun. At patayin mo nga yang ilaw mo, baka makita nila tayo," mahinang utos niya sa akin na labis kong ikinabahala. "H-ha? Pero, bakit? Sinong sila?" nginig kong tanong pabalik. "Basta sumunod ka na lang," mahinang sabi niya, at sinenyasan akong tumahimik. Diyos ko ano bang nangyayari?! Alam kong hindi iyon ligaw na hayop! Nadinig ko! Alam kong tao iyon! Ang mga panaghoy na iyon, animoy humihingi ng tulong! Ano bang meron sa lugar na ito?! Tik! Tik! Tik! Tik!Dinig kong huni na nagmumula sa gubat. Papalapit ito ng papalapit sa kinaroroonan namin, at ilang sandali pa ay naririnig ko ang pagaspas ng isang ibon mula sa itaas! Napakalaki nito, at kahit madilim, aninag ko ang laki nito na sinlaki ng isang tao, at ppaggal-gala iyon sa himpapawid, animoy may hinahanap, at bawat pagkampay nito ng kanyang pakpak ay sinasayaw nito ang ilang hibla ng aking buhok. "Dapa!" mahinang utos niya sa akin, at nakita kong dumapa din siya sa lupa, kaya ginaya ko rin kung ano ang ginawa niya. Ang aking isip ay animoy nagkabuhol buhol sa sobrang takot! Sobrang bigat ng aking paghinga! Parang gusto ko na yatang umihi sa aking salawal! Diyos ko ayoko na! Gusto ko ng umuwi! "Hindi na dapat tayo nandito. Maamoy at maamoy ka nila!" himig babala ang tono niyang iyon. Mas lalong dumoble ang bigat ng aking paghinga, marahil ay mas lalong nagregidon ang t***k ng aking puso mula sa ilalim ng aking dibdib. "Kailangan na nating umalis dito." "Pero paano?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam! Parang dito na ata matatapos ang buhay ko. Papatayin ako sa takot ng mga nilalang na ito! Ano ba iyon?! Pero isa lang ang gusto ko ngayon. Gusto ko ng umuwi sa bayan! Pinagsisihan ko ng dumayo pa ako sa baryo na ito! "Ibigay mo sa akin ang mga bagahi mo. Ako na ang magbitbit niyan," utos niya sa akin. Nanginginig kong inabot iyon sa kanya." Hawakan mo ang aking kamay, at kahit na anong mangyari ay huwag kang bibitaw. Maliwanag?" mariing sambit niya dahilan para tumango ako kahit di ko alam kung nakikita ba niya ang takot na rumehistro sa aking mukha. Inabot ko sa kanya ang aking kamay, at naramdaman ko ang init ng kanyang palad kahit na magaspang ito. "Huwag kang lilingon sa iyong likuran, o mas mabuting ipikit mo ang iyong mga mata, at kahit anong mangyari ay huwag kang lumikha ng ano mang ingay." Naramdaman ko ang pagpisil niya ng aking palad. "Huwag kang matakot, andito lang ako." At sa sinabi niyang iyon ay medyo napanatag ako. At yun na lang ang tanging panghahawakan ko sa pagkakataong ito. Pakiramdam koy ligtas ako mula sa mga kamay niya. "Handa ka na ba? Ipikit mo na ang iyong mga mata at ihahatid na kita sa bahay ng lola mo." Mariin akong pumikit. At ilang sandali pa ay naramdan kong nagsimula na kaming tumakbo. Pakiramdam koy nilamon ako ng aking kaba, animoy kahit ang paghinga ay di ko magawa. Naramdaman kong tila nag iba ang mga kamay niyang humahawak sa akin, parang may mga balahibo ang nakakapa kong balat. Pero isinawalang bahala ko ito, dahil siguro sa takot ay hindi ko na alam kong anong iniisip, at nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Ang kaninang maingat at marahang pagtakbo ay naging mabilis.., mas bumilis pa..., at naging mas mabilis pa! Ni hindi ko maramdaman na tumatapak pa ako sa lupa, basta ang alam ko lang, ay ang aking mga paa na tumatama sa mga talahib o ano mang klaseng d**o. "Andito na tayo... Ibukas mo na ang iyong mga mata. Ito na ang bahay ng lola Virgie mo." Unti unti kong binuksan ang aking mga mata. Napakurap kurap pa ako, at ng medyo nasanay na ang aking paningin sa dilim ay nakita kong nakatayo kami sa harapan ng isang ordinaryong kubo na gawa sa pawid, at kugon na binabakuran ng matutulis na bagakay, o kawayan.Pinakalma ko ang aking sarili, dahil pakiramdam ko'y nahihilo ako. Wala atang sampung segundo ang tinakbo naming iyon. "Salamat," nakangiting sambit ko, pero ganun na lang ang pagkunot ng aking noo, nang lingunin ko siya ay wala na siya sa tabi ko. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin si Miguel, pero hindi ko mahagilap ang kanyang bulto o kahit man lang ang anino niya. "Miguel?" nagtatakang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Pero walang sumagot, at parang nabibingi lang ako sa katahimikan ng gabi na bumabalot sa lugar na ito. Napailing iling nalang ako saka napagpasyahang katukin na lamang ang pinto ng bakod ni lola Virgie, at mamaya ko na lamang iisipin ang lalaking iyon, na natagpuan ko sa nakakatakot na baryo na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD