Nagising ako, dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Papungaspungas akong bumangon mula sa pagkakahiga. Tumayo ako saka nagpatuloy sa loob ng aking banyo upang magbawas ng tubig sa aking pantog. Di sinasadyang muli ay nasagi ng aking tingin ang aking sariling walang kabuhaybuhay. Mugto at nangingitim ang gilid ng mga mata marahil ay sa kakulangan ng tulog, at kaiiyak. Tinitigan ko ang aking sarili mula sa salamin, ang kaninang walang buhay na mga mata ay unti unting nabahiran ng isang mapait na ngiti. Muli na namang naghihinagpis ang aking puso, at pati ang aking luhang nasaid na sa kaiiyak gabi gabi ay muli na namang nagbabadya sa pagpatak. Pakiramdam ko ay sobra ang aking pagkabigo, dahil sa mga pangyayari, ni minsan ay hindi ko inaasahan buong buhay ko. Panghihinayang... Iy

