Nagmamadali, ngunit maingat kong binuksan ang pintuan ng bahay iniiwasang makalikha ng kahit ano mang ingay. Tahimik na ang buong kabahayan at kahit wala sina mama at lola dahil sa may pinuntahan silang kamag anak sa probinsiya ay buong pag-iingat pa rin akong pumasok sa loob. Kinandado ko ang screen ng pintuan at nagtungo sa main bathroom ng bahay. Sobrang nanghihina ang aking katawan at tinatamad akong umakyat sa kwarto ko sa taas. Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Pati ako ay hindi ko mailarawan ang hitsura ko ngayon. Gulo gulo ang buhok, malungkot ang mga mata, at ang mga luhang di ko mapigil ay patuloy pa rin sa pagpatak. Nasasaktan ako.. oo! Masakit sa dibdib ang umuwing hindi siya kasama kasi, mahal ko siya. Kanina lang ay masaya kaming dalawang nagre-wrestling sa b

