Tahimik ang gabi na sinisinagan ng maliwanag, at bilog na buwan. Sa 'di kalayuan ay matatagpuan ang binatang si Shaun na may malalaking mga hakbang, palakad takbo , at panay ang lingon sa kanyang likuran. Takot na takot ang binata, para bang may tinatakbuhan. Makikita ang malalaki, at malamig na butil ng mga pawis ang dumadaloy paibaba sa kanyang gwapong mukha. Hindi niya alintana ang kabang bumubundol sa ilalim ng kanyang dibdib. Hapong-hapo ang lalaki, dahil sa pagod, ngunit determinado siyang makaalis sa gubat na kinasasadlakan. Kailangan kong mailigtas ang aking sarili mula sa halimaw na iyon! Ilang sandali pa, isang alulong ng aso ang kanyang narinig sa gitna ng kailaliman ng gabi. Mas lalong nadagdagan ang takot na namayani sa kanyang dibdib. Alam niyang paparating na ang kanyang t

