Muli akong napabuga ng hangin. Dinig na dinig ko ang kalabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung paano aaluin ang aking sarili sa sobrang pangamba, dahil sa ano mang maaring kahihinatnan ng pasya kong ito. Ito na ang huling kabilugan ng buwan, at nakatakda sa gabing ito ang paglantad ko ng aking katauhan sa lalaking mahal ko. Maraming mga bagay ang gumugulo sa aking isipan. May mga pagkakataong naisip kong aatras na lamang ako sa pasya kong ito, ngunit ayaw ko rin namang lokohin si Shaun, at panatilihing lihim kung ano ba talaga ako. Ang tanging panghahawakan ko na lamang sa ngayon ay ang mga pangako niyang mahalin, at ipaglalaban niya ang pag iibigan naming dalawa. Tanging dalangin ko lang ay matanggap niya ang katauhan ko bilang isang aswang. Narito na siya. Naamoy ko ang mga dugong nan

