"Pinagsisihan ko ang bagay na iyon!" ang marahas kong asik sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling nagwika," Kaya pwede ba Miguel, huwag mo na ipaalala pa sa akin ang mga nangyayari kagabi. Alam mong lasing ako sa mga sandaling iyon at wala sa matinong pag-iisip!" Padabog akong tumayo, at iniwan siya doon sa mesang pinagkainan naming dalawa ng agahan sa mga sandaling ito. Inuungkat na naman kasi niya ang mga nangyayari kagabi na pilit ko ng kinalimutan. Hiyang hiya ako sa aking sarili, bakit ko nagawa ang karumaldumal na gawaing iyon? Ang humalik sa kapwa ko lalaki?! Arrrgh! Anak ng neneng talaga!! Alam kong mali! Hindi ko matatanggap na maging bakla ako, at baluktutin ang matuwid kong katauhan, dahil lang sa halik na iyon. Marahil ay naguguluhan lamang ako, dahil bago sa aki

