“Okay ka na?” tanong nito. Mabilis akong naglakad papalapit sa kanya at tumango. Lumingkis ako sa kanyang braso at todo pa-cute habang nakangiti. Oo na, easy to get na, pero sa kanya lang! Hirap magpakipot kapag ganito kagwapo at kapag sobrang nakakakilig ang lumalabas sa bibig. “One more thing, please, don’t do that again. Mabuti na lang at malapit na kaibigan ko ang kaharap natin kanina pero paano kung ibang tao iyon? Don’t broadcast anything between us yet. Time will come for that. Just for now, we have to hide everything that’s happening between us,” kalmadong sabi nito. Napanguso ako. “Ayaw mo lang atang malaman ng mga tao na napatuwid kita eh. Nahihiya ka ba?” diretsong tanong ko. Kumunot ulit ang noo niya. “No,” matipid na sagot nito. Lalong humaba ang nguso ko. “Dibale na ng

