Imbis na makatulog ako nang mahimbing sa gabing iyon dala ng pagod at puyat ay hindi ko nagawa dahil nagising talaga ang diwa ko sa ginawa niyang paghalik sa akin. Sh*t*ngina! Kinilig k*pay ko doon! Bwisit na Sir Jayden ‘yon! Marunong din palang manghuli ng kiliti ng babae. Nakakaloka! Sa tuwing patulog na ako ay bigla-biglang papasok sa utak ko yung kiss na ‘yon tapos ang itsura niya pagkatapos mag-good night sa akin tapos wala na! Gising na naman ako at hindi mapakali kakaikot sa higaan ko! Kulang na nga lang tumili na ako dahil kinikilig talaga ako. Sh*t! Kinikilig na ako kay bakla! Daig ko pa lasing dahil sa gaan ng ulo ko pagkagising ko. Para akong lumulutang talaga. Yari talaga sa akin si Sir Jayden mamaya. May reward siyang bongga sa akin. Pinilit ko pang matulog sa hapon. Na

