Ayokong pangalanan kung ano man ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami ni Sir Jayden. Basta ang alam ko lang, ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko. Ni hindi ako naging ganito kakuntento at kasaya sa mga nakarelasyon ko noon na sila Carding, Joseph at Marvin. Lahat ng ito ay bago ngayon sa akin at hindi ako makapaniwalang sa isang bakla ko pa talaga mararanasan ang mga ito pero wala naman akong pagsisising nararamdaman. Masaya pa nga ako dahil feeling ko, nakapagpatuwid ako ng isang bakla na dati’y mas maharot pa sa akin pagdating sa lalaki pero ngayon ay tumitigas na lang para sa akin. Sa totoo lang, hindi ko hihilingin na maging matikas at matipunong lalaki siya para sa akin. Gusto ko lang na manatili siya bilang kung ano siya dahil natatakot ako na baka kapag naging

