Napilitan akong umuwi sa umagang iyon. Nagsabi kasi sila Eva na magkita-kita raw kami ngayon sa school para maasikaso ang mga papers namin sa pag-OJT sa Manila. Mas marami pa kasing mga gagawin at dapat ipasa kapag hindi dito sa Abra mag-OJT. Saka para makauna na rin daw kami ng slot. Pero kampante naman kaming lahat na ma-approve ang application namin dahil may kapit naman silang tatlo at makikisaling-pusa na lang ako roon. Saka close kasi ni Eva si Ms. Denise kaya’t sure slot na talaga kaming apat doon. Nag-update nga rin si Alana na napalinis na raw ang condo na tutuluyan namin sa Manila. All set na rin talaga at feeling ko magbabakasyon lang kami roon. Excited ako at the same time, medyo malungkot dahil sa oras ba magpunta kami ng Manila ay mawawalan na kami ni Sir Jayden ng sexy

