Nagsimula ang bakasyon namin at unti-unti na akong nagsasabi kila nanay ng tungkol sa plano namin nila Eva na sa Manila mag-OJT. Kampante naman akong papayagan ako dahil noon ngang magbabakasyon sa Pagudpud ay pinayagan naman nila ako. Lalo pa kaya ngayon na makakasama ko naman sa iisang unit ang mga kaibigan ko at para naman iyon sa pag-aaral namin. Ang iniisip ko lang ay ang maiiwan kong trabaho kay Sir Jayden. Siyempre, imposible naman na tuwing gabi ay lilipad ako mula sa Manila papuntang Abra para lang makapag-duty sa restobar. Kakailanganin ko talagang tumigil sa pagtrabaho. Nag-aalangan ako kung resigned na ba ang tawag doon samantalang gusto kong bumalik doon pagtapos ng training namin. Siguro madadaan naman si Sir Jayden sa panlalandi para payagan akong mag-indefinite leave. Du

