Sobrang saya ko sa buong dalawang linggo na puro landian lang kaming dalawa. Atleast, I got to know him more even with that short period of time. At alam ko sa sarili ko na lalo ko lang siyang nagugustuhan dahil sa nakita ko sa kanya sa mga oras na magkasama kami. Wala na ‘yung maldita at maarteng Sir Jayden na nakilala ko noong nag-apply ako sa restobar. Wala na ‘yung mailap at masungit na bakla sa tuwing kinukulit ko. Ang kasama ko ngayon ay si Gael na malambing, sweet at nakikisabay sa mga trip ko. ‘Yung tipong maninita lang sa umpisa pero kukunsintihin pa rin talaga ang kakulitan ko. He would always be there to remind me of my limits for being too naughty. Siyempre hindi naman lahat ng tao ay katulad niya na mahaba na ang pasensya sa akin. Kaya nga as much as possible ay kinukumbin

