Kabanata 93

1043 Words

Araw ng Linggo at walang pasok sa trabaho. Nasa bahay lang ako at nagpapahinga habang magka-chat kami ni Gael. Ewan ko ba, ‘yung tipong araw-araw naman kaming magkasama pero hindi talaga kami nagkakasawaan. Kulang na nga lang ay magpunta ako sa condo niya ngayon para makasama pa rin siya kahit Linggo. “Tammy, may ginagawa ka ba? Makikisuyo sana ako na magbayad ka muna ng bills at maggrocery na muna dahil wala na tayong stocks sa ref. Saka nagpadala na ng disconnection notice ang Abreco. Kailangan na mabayaran. Hindi kasi ako makaalis noong nakaraan dahil sa tindahan,” sabi ni Nanay. Dahil malaki ang sahod ko sa pagiging sekretarya ni Gael ay sa unang sahod ko, napagdesisyunan agad ni Nanay na patayuan ng tindahan ang isang bahagi ng bahay namin. Sari-sari store iyon para kahit papaano ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD