Lumabas ang Daddy niya pagkatapos kong sabihin ‘yon. Nagkatinginan kami ni Gael. “Sa tingin mo nagalit siya sa akin?” nag-aalangan kong tanong. He smiled and walked towards me. Naupo ito sa lamesa ko saka marahang hinawakan ang aking buhok. “I bet not. Sa tingin ko, pinag-iisipan niya ang sinabi mo. What you said to him hopefully hit him hard para naman maisipan niyang kahit papaano, kahit paunti-unti ay kausapin niya na ulit si Jayden,” kalmadong sabi nito. Nakahinga ako nang maluwag. “Sorry kung medyo nasagot ko ang Daddy mo ha? I really just can’t take it. Alam mo naman na ayokong may natatapakang tao kapag close ko. I mean, mas hindi ko pa matanggap na sa sarili niyong tatay nanggagaling ang hindi pagtanggap kay bakla. I can only imagine his pain about it,” seryosong sabi ko. “He

