“She’s five weeks pregnant and currently on her first trimester and this is crucial so please take care of yourself from now on, Mommy,” wika ng doctor. Nakita kong nakahinga nang maluwag si Gael. “So they’re healthy? Nothing’s wrong with the baby?” tanong nito. Ngumiti ang doktora at umiling. Nagbigay ito ng reseta para sa mga vitamins na dapat kong i-take para mapanitili kaming healthy ng baby namin ni Gael. Nagsabi rin ito ng ilang do’s and don’t’s habang nasa early stage ako ng pagbubuntis. Kumunot ang noo ko nang may tanong na pumasok sa isip ko. Kaagad na binili ni Gael ang mga prescribed vitamins ng doktora. Naiwan muna ako sa office ni Doc dahil wala namang nakapilang kliyente na kasunod namin. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para magtanong sa kanya. “Uhm, Doc, may mga tano

