Bago pa man kami umalis ng Manila ay nagsabi na si Gael sa pamilya namin na magkakaroon kami ng salo-salo pagkabalik namin sa Abra. Doon namin balak isiwalat ni Gael ang tungkol sa pagbubuntis ko at ang mapapaaga naming kasal. Wala namang nagduda sa kanila kaya’t mas nakaka-excite kung ano ang magiging reaction nilang lahat. Tiyak naman akong matutuwa ang mga magulang namin dahil parehong unang apo ito both sides. Siyempre ay wala namang apo kay Jayden at sa amin naman, ako ang panganay kaya’t nararamdaman ko na talagang magiging spoiled ang anak namin ni Gael sa kanila. Halos hindi ko namalayan ang biyahe. Hinayaan ako ni Gael na magpahinga at matulog lang. Ginising lang ako nito ‘nung pwede ng makababa ng eroplano. Inalalayan niya akong makababa ng eroplano. Wala naman kaming dalang m

