"NAHANAP n'yo na ba?" tanong ni Madam Behatty sa mga inutusan. "Opo Madam! nasa probinsya po s'ya, kasama ang babae, ayon po sa nakuha namin impormasyon, 'yon po ang babaeng gusto n'yong ipakasal sa kan'ya" mahabang paliwanag ng isang lalaki. "Haha! nag kita na pala sila, bakit pa sila nag tanan kung ikakasal din naman sila? mga batang 'yon haha!" tawa nito. "Kunin n'yo 'yong babae, make sure na hindi s'ya masasaktan" pahabul nito. "Madam! paano po si Dr. Yuhan?" takang tanong ng lalaki. "Hayaan n'yo na, babalik din 'yon, basta ako na ang bahala sa kan'ya" paliwanag nito, tumango naman ang mga lalaki, bago lumabas ng silid na 'yon. "DR. Yuhan!" tawag ni Shalli, pero walang sumasagot... "Dr. Yuhan!" patuloy n'yang tawag pero wala talaga. Kaya lumabas na lang s'ya ng bahay, nakita na

