"DOCTOR Yuhan!" tawag ni Shalli, pero walang sumasagot, kaya nag lakad na lang s'ya palabas ng bahay.
Laking gulat na lang n'ya, dahil sa pag kalabas na pag kalabas pa lang n'ya sa bahay, ay bumungad na sa kan'ya ang napaka lawak na farm.
Isa pala itong farm, kung saan may mga tanim na cherry, strawberry, at orange.
"Good morning po ma'am" bati ng isang trabahador... "morning din po! hmm nakita n'yo po ba 'yong lalaking nakatira d'yan?" tukoy n'ya kay Doctor Yuhan.
"Ay si Doc. Yuhan! umalis po kanina ma'am" paliwanag nito.
"Ano? umalis s'ya, bakit n'ya ako iniwan dito??" maluha luha n'yang tanong.
"Babalik din naman po s'ya, binilin lang n'ya na bantayan po namin ka'yo!" paliwanag nito, akahinga naman s'ya sa sinabi nito.
"Ano pong ginagawa n'yo?" tanong n'ya, bago lumakad pa palapit sa mga trabahador.
"Ay! ma'am! do'n na lang po kayo sa loob ng bahay, baka mapano pa 'yan sugat n'yo!" alalang ani nito.
"Okay lang naman ako! puwede tumulong?" tanong n'ya.
"Ay! bawal po! baka magalit si Doc. do'n na lang po sa bahay ma'am!" pakiusap nito, pero dahil mapilit s'ya, wala ng nagawa ang mga ito.
"Ano po bang pipitasin dito?" tanong n'ya... "etong mga 'to, pag ganiyan ang kulay, ibig sabihin no'n hilaw na" paliwanag nito.
"Ang lawak naman ng farm na 'to! sinong may ari nito? mukhang ang yaman na" curios n'yang tanong.
"Hindi n'yo po ba alam ma'am, si Dr. Yuhan po ang may ari nito" bigla naman s'yang napanganga ro'n.
"Ibig n'yong sabihin, si Dr. Yuhan ang may ari nito?" panigurado n'ya, tumango lang ang babae.
"Wah! ang yaman pala ng lalaking 'yon" biroin mo, s'ya pala ang may ari ng Willson United Hospital at isa rin s'yang surgical Doctor, at ngayon naman s'ya pala ang may ari nitong farm.
Hindi s'ya makapaniwala sa nalaman n'ya, talagang nakakahiya pala itong si Dr. Yuhan.
"Ahm! puwede mag tanong? dina dala rin ba ni Dr. Yuhan 'yong girlfriend n'ya dito?" biglang tanong n'ya, na ikinagulat ng mga trabahador.
"Si ma'am Emily po ba ang tinutokoy n'yo?" panigurado nila... "'yon siguro! Emily pala ang pangalan n'ya" tanging ani lang n'ya.
"Opo! minsan kapag nag babakasyon si ma'am Emily dito, Doctor kasi s'ya sa america, kaya minsan lang sila nagkikita ni Dr.Yuhan" paliwanag nito.
"Talaga! Doctor pala 'yon?" alilangan n'yang tanong, tumango lang ito.
Para s'yang binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman n'ya, talaga naman wala s'yang laban do'n sa Emily na 'yon.
"Ah! sige po maiwan ko muna ka'yo" paalam n'ya, ngumiti lang ang mga ito bilang sagot.
WALANG gana s'yang, lumakad papasok ng bahay.
Napaka perfect pala ng combination ng Emily na 'yon at si Dr. Yuhan.
Napabuga na lang s'ya ng hangin, bago nag lakad pa punta sa isang sound box, at agad na pinapatugtog 'yon sabay sayaw.
Kailangan n'yang kumalma, dahil wala naman talaga sila ng Dr. Yuhan na 'yon, hindi dapat s'ya makaramdam ng selos kasi, wala naman talaga silang ugnayan.
22 years old s'ya, samantala si Dr. Yuhan 27 years old na, 5 years ang agwat nila, sige sabihin na natin age doesn't matter ang peg.
Pero isa lang s'yang nurse sa Hospital kung saan ang may ari no'n, ay si Dr. Yuhan, at hindi lang 'yon s'ya rin ang may ari ng malawak na farm na 'to.
Muntik na s'yang matumba, nang umikot s'ya, buti na lang nasalo s'ya ni Dr. Yuhan.
"Ikaw pala Doc!" agad s'yang humiwalay dito, dahil sa awkward na nararamdaman.
Nagulat na lang s'ya nang hilain s'ya nito, patungo sa sofa.
'Yon pala ay para palitan 'yong benda sa kan'yang braso.
"Aray ko po! dahan dahan naman!" daing na lang n'ya.
Habang ginagamot nito ang kan'yang sugat, hindi n'ya mapigilan hindi mapatitig sa lalaking ka harap n'ya ngayon.
Ang suwerte siguro ng girlfriend nito, dahil napaka guwapo at napaka yaman pa.
Sa subrang pag katitig n'ya dito, hindi n'ya napigilan hawakan ang kilay nito, patungo sa matangos nitong ilong, dahan dahan pa baba sa mapupulang labi nito, na akala mo parang labi ng isang babae sa subrang ganda ng pagkahugis nito, at subrang lambot pa.
Wala sa sariling napatigil si Yuhan sa ginagawa ni Shalli.
Bigla s'yang napabalik sa wiso, nang mag salita si Dr. Yuhan.
"Remember! i told you! hindi ka puwedeng mahulog sa akin!" paalala nito, bago linigpit ang mga kalat, dahil tapos na pala ito.
"Hindi noh! na guguwapohan lang ako sa in'yo Doc! pero hindi kita crush! over my beautiful face" wala sa sarili n'yang sabi, dahil sa kahihiyan, bakit pa kasi may pahawak pa s'yang nalalaman sa mukha nito.
"Parang sinabi mo na rin na crush mo ako, Nurse. Jiao" natatawa nitong sabi, bago tumayo para itapon ang mga kalat, habang naiwan si Shalling parang timang.
"Naku naman Shalli! ano bang ginagawa mo?" sita na lang n'ya sa kan'yang sarili.
Mukhang in love na 'ata s'ya! napa sapo naman s'ya sa nou, dahil hindi s'ya puwedeng mag ka gusto sa lalaking 'yon, dahil masasaktan lang s'ya pag nag kataon.
.....
NAPA ngiti na lang s'ya habang pinag mamasdan si Dr. Yuhan, na kasalukoyan nag luluto ngayon, talaga naman nasa kan'ya na ang ideal man n'ya sa isang lalaki.
"Gising ka na pala!" ani nito.
Dahan dahan naman lumakad si Shalli, papalapit sa kinaruruonan ni Dr. Yuhan.
"Na gugutom ka na ba? sandali lang to, matatapos na rin!" patuloy nitong paliwanag.
Wala sa sariling yumakap si Shalli, mula sa likod nito, to feel her sweetness, na para bang napa ka comportable nitong kasama.
"Nanaginip ba ako?" tanong n'ya, dahan dahan naman humarap si Yuhan sa kan'ya.
"No! hindi ito panaginip" tipid nitong sagot.
Nagulat na lang s'ya, nang biglang hinapit ni Dr. Yuhan ang kan'yang bewang, upang mas mag kalapit pa sila sa isat isa.
Napatingin na lang s'ya sa mapupungay nitong mata, bago dahan dahan nag kalapit ang kanilang mukha.
.....
"Nurse. Jiao!" pang gigising ni Yuhan sa kan'ya... "Nurse. Jiao! wake up!!" biglang s'yang napa upo mula sa pag kakahiga sa may sofa, pinag papantasyahan n'ya pala si Dr. Yuhan, naku naman Shallimar.
"Halikana! sabay na tayo mag lunch, punasan mo may laway kapa sa bibig!" natatawa nitong sabi, bago nag tungo sa sala.
Mabilis naman n'yang pinunasan ang kan'yang labi, tama nga, may laway pa s'ya, ilang beses na ba s'yang napahiya kay Doctor Yuhan?
Napa sabunot na lang s'ya sa kan'yang buhok, dahil sa isa na naman itong kahihiyan.
Managinip pa naman s'ya ng gano'n, tapos may kasam pang laway.
"Nurse. Jiao! halikana" agad naman s'yang napatayo at nag tungo ng sala, kahit nahihiya s'ya, nilabanan na lang n'ya ito.
"Ano 'yong napapanaginipan mo? may pa nguso nguso kapa kasi" tawang tawang tanong nito, na may bahid na pang aasar.
Napa simangot na lang s'ya, dahil sa pang aasar nito.
Gano'n pa rin, nahihirapan pa rin s'yang humawak ng kutsara, dahil sa benda n'ya.
"Baka gusto mo subuan pa kita Nurse. Jiao!" patuloy na pang asara nito.
"No! need Doc! i will handle my situation, without your help!" wala sa sarili n'yang sagot.
Agad naman napatigil si Yuhan, dahil parang bang may ibig sabihin 'yong salita ni Shallimar, parang may nais s'yang iparating do'n.
"May tanong ako, bakit kahapon iba na 'yong suot ko? ikaw ba ang nag palit no'n?" paninigurado n'ya.
"No! si Yaya Kin, don't worry hindi ako ganon'g klasing tao, hindi ako nanamantala ng bata" wala sa sarili syang napa ubo.
"Sinasabi n'yo bang bata ako Doctor Yuhan?" madiin n'yang tanong.
"Bakit may sinabi ba akong bata ka Nurse. Jiao?" pang babara nito.
May ganito pa rin pa lang attitude si Doctor Yuhan.
"Wala po! tinanong ko lang, bakit ba trip ko 'to" madiin n'yang paliwanag, na ikinatawa naman ni Dr. Yuhan.
Hindi na lang s'yang umimik, pinilit na lang n'yang sumobo.
Sa mga nalaman n'ya kanina, dapat na talaga n'yang pigilan kung ano man ang nararamdaman n'ya sa lalaking 'to.
wenawendyiiew
All right reserved 2021