Myra's Pov: Gabi. Huling gabi ng isang linggong bakasyong ibinigay sa akin bago ako maging opisyal na parte ng Violent Crimes Department dito sa Lungsod ng Bibinca. Bukas na bukas ay kailangan kong pumasok sa headquarters at makisalamuha sa mga taong kinasusuklaman ko. Tiningala ko ang kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at iyon lang ang tanging nagbibigay ng liwanag sa madilim na kapaligiran. Masyadong madilim ang kalangitan dahil mukhang nagtago na rin ang mga bituin. Sinamahan pa ng madilim na gabi. Kung walang buwan ay baka mangapa na ako at kakailanganin ko talaga ang liwanag ng flashlight na hanggang ngayon ay nasa bulsa ko pa rin. Itinaas ko ang palapulsuhan at tiningnan ang relo. Alas onse na ng gabi. Bakante na ang mga lansangan, sigurado ako roon. At ang lansangang nandito

