Ronmar's Pov: "Oy, pare!" Mula sa pakikinig ng music ay tiningala ko ang kasamahang detective, si Wesley. Tinanggal ko ang ear phone sa mga tainga at pinatay ang musikang pinakikinggan. Nangungunot ang noong tiningnan ko ang lalaki. "Oh, bakit? May kailangan ka ba sa akin, Wesley?" Natatawang kumamot s'ya sa ulo bago naupo sa upuang nasa harap ng aking lamesa. Narito kami sa loob ng silid ng department namin. Iilang mga detective lang ang nandito at kabilang kaming dalawa ni Wesley doon. Ni hindi ko nga alam na narito pa rin s'ya sa department namin samantalang kanina pa umalis ang ka-partner n'yang si Detective Bill. "May gusto lang sana akong itanong," simula n'ya. "Well, kanina pa kita gustong lapitan para kausapin. Masyado ka nga lang naka-focus sa ginagawa mo akala ko ay abalan

