Myra's Pov: Unang araw ko bilang opisyal na kasapi ng Violent Crimes Department dito sa headquarters. Kung normal lang sana ang takbo ng buhay ko ay makararamdam ako ng kaba o kahit pag-aalinlangan ngunit dahil hindi naman, wala akong nararamdaman sa mga oras na ito. Ang alam ko, papasok lang ako sa pugad ng mga kaaway para kumuha ng impormasyon, wala nang iba. Wala rin naman akong planong makipaglapit o kaya ay ma-attach sa kahit sino sa department ko o sa headquarters. Siyempre pa ay iba nang usapan kung ang taong kailangang kong kapitan ay iyon magkakaroon ng pakinabang sa mga pinaplano ko. Masakit pa ang ulo ko mula sa naging pagkikita at pag-uusap namin ni Ronmar kagabi o mas tamang sabihing kaninang madaling araw. Mag-a-alas dos na ng umaga nang makauwi ako at katulad noong umali

