Reagan's Pov: "Ow, bakit ka natahimik? Kilala mo o pamilyar ka?" nang-uusisang tanong ni Uriel. Tumikhim ako at muling sumimsim sa tsaa. Gusto kong sumagot pero bigla ko na lang hindi alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung bakit parang nag-iba ang pakiramdam ko. She seemed familiar. Iyon ang alam ko. Iyon nga lang, alam kong ang engkuwentro namin sa jeep ang unang beses na nakita ko ang babae. Sigurado akong iyon ang una dahil ni kahit minsan ay hindi ko pa naman s'ya nakita o kahit nakasalubong man lang. Nakatitiyak ako roon dahil kakaiba ang ganda at karismang taglay n'ya. Para s'yang may dalang malaki at hindi nakikitang magnet na humihigop sa akin papunta sa kanya. Ganoon kalakas ang epekto n'ya kaya kung nakita o nakasalubong ko na s'ya noon ay sigurado akong malal

