Chapter 80- Prejudice

2501 Words

Myra's Pov: Bago ako tuluyang tumalikod ay narinig ko pa ang pagdating ng iba pang mga kasamahan noong mahanging detective na nakasakay ko sa jeep. Lahat sila ay masaya ngunit dahil paakyat na ako sa ikalawang palapag ay hindi ko na narinig pa ang kung anumang pinag-uusapan nila. Sigurado rin naman akong hindi na kakailanganin ng mga police officer ang statement ko dahil madami na ang mga taong magpapatotoo sa pangho-hold up noong dalawang holdaper. Isa pa ay nandoon din ang mahanging pulis na iyon at matibay ang mga ebidensyang hawak n'ya. Siguro naman ay hindi s'ya naging bida-bida kanina para lang mapunta sa wala. Hindi ko pa alam kung anong klase s'ya ng tao at kung anong uri s'ya ng detective ngunit napansin ko na halos mangilag ang iba pang mga officer nang dumating s'ya kanina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD