Nang makarating sina Kevin at Axel, sa kanilang bahay ay pinapasok niya si Axel. Pagkapasok nila ay napatingin agad sa kanila ang ama nina Kevin, na bahagyang nakaupo couch habang may hawak na isang tasang kape. Nagulat naman ito nang makita siya.
"Oh, Axel? Napadalaw ka? Halika, pasok umupo ka dito. Anong sadya mo ngayon dito?" nakangiting sabi ng ama ni Kevin kay Axel.
"Ah, Dad.. dumating na ba si Fiona?" sa halip na tanong ni Kevin dito.
"Huh? Ah, oo ayon kausap ng Mommy mo, nasa kusina sila naghahanda ng makakain natin. Iyang kapatid mo, nakakapagtaka ang kilos nitong nakaraang araw, palaging maaga kung gumising at ngayon lang namin na laman na nagluluto pala siya ng pagkain at biglang aalis ng bahay pagkatapos. Nakakapagtaka nga kung saan siya pumupunta eh," pahayag nito sa kanila.
Nagkatinginan naman sina Kevin at Axel, dahil sa sinabi nito. Hindi sila nakasagot.
"Axel?"
Napatingin si Axel sa tumawag sa kanya at nakita niya si Fiona, na galing sa kusina ng mga ito. Nagtataka itong nakatingin sa kanya at sa ama nito.
"Ah sir, may gusto lang sana akong sabihin sainyo, na magulang ni Fiona," mayamaya ay sabi ni Axel.
Mula sa likod ni Fiona ay tumabi dito ang ina, habang nakatingin ngayon kay Axel na nakatayo at hinihintay kung anong sasabihin.
"Oh? Ano naman iyon?" sabi ng ama ng mga ito.
"I've started courting, Fiona. I am the reason, why she cooked early in the morning and went to my house to give those she cooked for me," pag amin ni Axel.
Nagulat naman ang mga ito sa kanyang sinabi.
Natahimik sila at nagpalipat-lipat ang tingin ng magulang nina Kevin at Fiona sa kanilang dalawa ni Fiona. Nilapitan ni Axel si Fiona at hinawakan ang kamay nito. Napalunok naman si Fiona at hindi halos makatingin sa kanyang mga magulang, na ngayon ay tahimik pa rin at hindi nagsasalita.
"Alam ko pong masyadong nakakagulat, pero iyon po ang totoo. Ngunit, kung ano man ang iniisip niyong kakaiba sa aming dalawa, lalo na sa pagpunta niya sa bahay ko. Huwag po kayong mag alala, malaki po ang respeto ko sa kanya at hindi ko po siya itutulad sa mga babaeng nababalitaan niyong nakakasama ko. I love her and I respect her," nakangiting sabi ni Axel sa mga ito at marahang pinisil ang kamay ni Fiona, na kanina pa niya nararamdaman na nanginginig. Napatingin naman sa kanya si Fiona, kaya nginitian niya.
"Oh, kung ganoon naman pala ay sige, papayag akong ligawan mo si Fiona," mayamaya ay sabi ng kanyang ama.
"S-Sandali, sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo, Axel? Baka mamaya masaktan lang ang anak ko saiyo," pigil ng ina ni Fiona.
Tumingin naman si Axel dito at ngumiti.
"Huwag ho kayong mag alala, Tita. Hindi ko man mabago ang pagkakakilala sa akin ng iba. Alam ko naman na may ilan rin na naniniwala na kaya kong magbago para sa babaeng mahal ko," tugon ni Axel dito.
Hindi naman maintindihan ni Fiona ang kanyang nararamdaman ngayon. Naghalo-halo ang kanyang emosyon dahil sa mga sinabi ni Axel sa kanyang magulang. Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang sabihin iyon ni Axel sa mga ito.
Napabuntong-hininga na lang ang ina ni Fiona at tumingin sa kanya.
"Fiona, sigurado na ba talaga na hahayaan mo siyang ligawan ka niya? O pareho nga ba kayong nararamdaman sa isa't isa?" tanong nito sa kanya.
Napatingin naman siya kay Axel, na nakangiti sa kanya at bahagyang tumango. Kaya ngumiti rin siya dito, bago sinagot ang tanong sa kanya ng ina.
"Yes, Mommy. I'm sure of it. Don't worry, I know what we are doing," sagot niya dito.
Napatango naman ang ina niya at sumang ayon sa mga sinasabi nila.
"Well, hangga't nililigawan mo siya ay dapat ikaw ang pupunta dito. Hindi iyong siya pa talaga ang pupunta saiyo," mayamaya ay sabi ni Kevin at bahagyang tinapik ang kanyang balikat.
"Yeah, I will do that," tugon niya kay Kevin na napatango lang dito.
"So? May lakad ba kayo ngayon, kaya mo siya niyayaya?" tanong naman ng ama nito.
"Ah oo, mamasyal lang kami," sagot ni Axel.
Tumango ang ama ni Fiona at napabuntong-hininga.
"Sige, papayag ako. Basta ingatan mong mabuti ang anak ko, Axel. Malaki ang tiwala ko saiyo, kaya huwag na huwag mong babaliin iyon," paalala nito kay Axel.
"Huwag ho kayong mag alala, iingatan ko po si Fiona," sagot niya dito.
Napatango ito. Kaya nagpaalam na sila na aalis ni Fiona at hinayaaan naman silang makaalis ng mga ito. Nang makalabas na sila sa bahay nina Fiona ay doon lang siya kinausap ni Fiona, habang naglalakad sila.
"Hindi ko aakalain na pupunta ka sa bahay at sasabihin sa kanila ang lahat ng iyon," sabi niya kay Axel.
Bahagyang natawa si Axel dahil sa sinabing iyon ni Fiona at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.
"Medyo kinakabahan nga rin ako kanina. Ngunit, kailangan ko pa rin iyong gawin, upang pormal kitang maligawan at alam ng pamilya mo. Hindi ko kailangang ilihim kung anong namamagitan sa atin," sagot ni Axel dito.
"Tsss, ganoon? Ngunit, syempre nabigla rin ako..lalo na sa mga nangyari kanina. I still speechless about it," sabi ni Fiona at ang tinutukoy niya ay ang sa pagitan ni Axel at Veronica, na may ginagawa kanina.
Natawa naman si Axel at huminto. Hinawakan niya sa pisngi si Fiona.
"Maaari mo bang kalimutan na lang ang nangyari kanina? Iyong sa amin ni Veronica? Masyado rin kasi akong nabigla at nadala sa pangyayari," sabi ni Axel sa kanya.
Napabuntong-hininga siya.
"Paano ko naman makakalimutan iyon, eh nakatingin ka sa akin kanina habang inaano mo siya eh. Kaya impossible na makalimutan ko kaagad iyon," sagot niya dito at bahagyang napaiwas nang tingin, lalo na at naalala niyang naapektuhan siya sa nakita niya. Nakita niya kasi sa mga mata ni Axel, habang tinitira nito si Veronica.. na may pinapahiwatig ito sa kanya. Nakaramdam siya ng kakaiba at naisip na sana siya ang tinitira nito, na nais niyang maranasan ang nangyayari sa babae.
Hinawakan muli ni Axel ang pisngi ni Fiona at pinaharap sa kanya.
"Yeah, I know that and I can feel, na naiilang ka sa akin. Kaya ayokong ganoon ang mararamdaman mo sa akin. So, I hope that you can forget it," tanging sabi ni Axel.
Walang nagawa si Fiona at tumango na lang, kahit alam niya sa sarili na hindi niya iyon madaling makalimutan. Matapos nilang mag usap ay nagpatuloy sila sa paglalakad. Namamasyal sa sa centro ng bayan at tumitingin sa mga paninda sa paligid. Dama naman ni Axel ang tuwa sa mga mata ni Fiona, habang namamasyal silang dalawa.
Hanggang sa mapagod sila sa kakalakad ay umupo na lang muna sila sa ilalim ng puno sa park. Nakasandal si Axel sa puno, habang nakahiga sa heta niya si Fiona.
"Kung sakaling aalis ako, papayag ka ba?" mayamaya ay tanong ni Axel kay Fiona, lalo na at naalala niya ang kanyang ate na nasa Edolas na nais niyang makita.
Napatingin naman sa kanya si Fiona.
"Bakit mo naman nasabi iyan? Well, kung napaka-importante sa iyo ang pupuntahan mo, syempre wala akong magagawa kundi payagan ka. Kaya ko namang hintayin ka eh," nakangiting sabi ni Fiona sa kanya.
Napatitig naman si Axel kay Fiona at marahan na hinahaplos ang pisngi nito.
"But, I really don't know if I can leave you alone. Kaya pinag iisipan ko kung tutuloy ba ako sa aking balak o hindi," muling sabi niya.
"Bakit? Saan ka ba pupunta at sino ang pupuntahan mo?" kuno't noo'ng tanong ni Fiona sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Axel, dahil hindi niya alam kung dapat ba niyabg sabihin dito ang kanyang dahilan. Subalit, naisip rin niya na dapat malaman ni Fiona ang tungkol doon.
"Well, I want to find my sister and I found out that's she's in Edolas. So, I want to go there and meet her," pag amin ni Axel.
Hindi agad nakasagot si Fiona. Ngayon lang kasi niya nalaman na may kapatid si Axel, dahil ang pagkakakilala niya dito ay ulila na ito. Subalit, ngayon ay nalaman niyang may kapatid pa ito. Kaya, bakit nga ba niya pipigilan na huwag itong umalis, kung kapatid lang naman nito ang sadya.
Napangiti siya dito.
"Well, you can go there and meets her. But, of course.. you need to comeback too, because I will be waiting for you. So, deal?" sabi ni Fiona sa kanya.
Napangiti rin si Axel at napatango sa sinabi ni Axel. Nanatili muna sila doon habang nagkakwentuhan, hanggang sa napansin nilang magdi-dilim na. Kaya nagpasiya si Axel na ihatid na muna si Fiona. Bago sila umalis sa park ay nagawa niya pang halikan si Fiona sa noo, saka sila umalis doon. Kaya, napangiti na lang si Fiona.. hanggang sa makarating sila sa bahay nila.