Hindi alam ni Fiona, kung ano ang kanyang gagawin.. matapos iyong sabihin ni Axel. Naramdaman niyang bumaba ang kamay nito, na mula sa kanyang braso hanggang sa mahawakan nito ang kanyang kamay. Mayamaya ay pinaharap siya ni Axel sa kanya, kaya napatingin siya dito. Tahimik nilang tinitingnan ang isa't isa.
Hindi maintindihan ni Fiona ang nakikita niyang kakaiba sa mga mata ngayon ni Axel. Para bang may nais itong sabibin sa kanya, na hindi nito masabi. Mayamaya ay biglang idinikit ni Axel ang kanyang noo kay Fiona.
"I'm really sorry for what happened earlier. Kaya babawi ako saiyo, maari ka bang sumama sa akin ngayon?" mayamaya ay sabi ni Axel at inalis ang kanyang noo kay Fiona. Nanatiling nakatitig pa rin si Fiona sa kanya at iniisip kong sasama ba siya o hindi dito. Mayamaya ay napangiti si Fiona at tumango sa sinabi ni Axel.
"Okay, I will come with and give you chance. But I hope, it will never happen again. Masakit para sa akin na makita kang may kasiping na iba, lalo na at talagang nakita ko pa," sabi ni Fiona at iniwas ang tingin sa kanya.
Subalit, hinawakan lang ni Axel ang baba niya at iniangat upang makita nito ang kanyang mukha.
Ngumiti naman si Axel sa kanya at napatango.
"Yes, I will never do that again. I'm all yours," nakangiting sabi ni Axel. Napasinghal lang si Fiona sa sinabing iyon ni Axel at inirapan ito.
"Sige na, magbihis ka na at hihintayin na lang kita dito sa ibaba," wika ni Fiona at bahagyang itinulak si Axel palayo sa kanya. Ngunit, muli lang siyang nakulong mula sa mga braso nito at bigla siyang hinalikan ni Axel sa kanyang labi. Nagulat siya sa ginawang iyon ni Axel at hindi agad nakakilos. Hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting paggalaw ng labi nito sa kanyang loob. Kaya napilitan siyang sabayan ito, kahit hindi pa siya ganoong marunong humalik. Ngunit sinubukan pa rin niyang sabayan ito. Mayamaya ay kinuha ni Axel ang kanyang kamay ay nilagay sa batok nito at bigla siyang binuhat ni Axel, saka pinaupo sa may lababo habang hindi napuputol ang halikan nilang dalawa. Gustong palakpakan ni Fiona ang kanyang sarili, dahil nagawa niyang makipagsabayan kay Axel. Si Axel ang first kiss niya at wala siyang karanasan sa paghalik ng ganoon tulad nang ginagawa nila. Kapag sinisipsip ni Axel ang dila niya ay gumaganti rin siya. Hindi niya alam, na nagiging dahilan iyon upang ganahan si Axel sa kanilang ginagawa. Inilapit ni Axel ang kanyang katawan kay Fiona, kaya naman.. naramdaman ni Fiona ang isang baga na tumama sa bandang heta niya at nasisiguro niyang alam niya kung ano iyon. Mayamaya ay bumitaw sila sa kanilang halik, dahil halos maubusan na sila ng hininga sa pagpapalitan ng laway. Namamanghang nakatingin si Axel ngayon kay Fiona. Hindi niya aakalain na hindi magpapatalo si Fiona sa halikan nilang iyon. Napangiti siya at bahagyang hinaplos ang mukha ni Fiona.
"Magbibihis lang ako," tanging sabi ni Axel at binaba si Fiona mula sa lababo. Nakangiting umalis si Axel sa kusina at agad na umakyat sa itaas upang magbihis. Pakiramdam niya ay gusto niyang paulit-ulit na tikman ang matamis na labi ni Fiona. Nasisiguro niyang magiging paborito niya ngayon ang labi nito.
Habang si Fiona naman ay umiinom ng tubig at pilit na pinapakalma ang kanyang sistema, dahil masyado siyang naiinitan sa kanyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. Napabuga siya nang malalim na hininga saka nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Nang matapos siya ay pumunta siya sa sala at doon na lamang niya hinintay. Hindi pa siya nagtagal na umupo ay biglang may kumatok sa pinto at agad itong bumukas.
"Axel! Alam mo na ba ang balita tungkol kay Ve—"
Hindi natuloy ng taong biglang pumasok ang kanyang sasabihin, nang mapatingin ito sa gawi ni Fiona. Pareho silang nagugulat sa isa't isa at itinuro pa siya nito.
"F-F-Fiona?"
Napalunok muna si Fiona, bago sumagot dito.
"H-Hi K-Kuya," bati pa niya at biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya aakalain na makikita niya ang kuya niya ngayon dito sa bahay ni Axel. At inaasahan niya rin, na ganoon rin ang kanyang kuya sa kanya.
"What are you doing here?" kuno't noo'ng tanong ni Kevin sa kanya.
"Ah k-kas—"
"Kevin?"
Sabay silang napatingin sa itaas at nakita nila ang nagtatakang mukha ni Axel, habang nakatingin sa kanila ngayon.
"Hey dude, can you explain why my sister is here? Ginugulo ka ba nito?" tanong ni Kevin kay Axel.
Hindi nakasagot si Axel at bahagya silang nagkatinginan ni Fiona. Kaya, napansin naman ni Kevin ang tinginan nilang iyon. Nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan si Axel, saka lumapit kay Fiona at hinawakan ang kamay ng dalaga. Nagugulat namang nakatingin sa kanila ngayon si Kevin, lalo na sa magkahawak nilang kamay.
"I'm sorry for hiding this to you, Kevin. But now, I will tell you.. that I'm courting your sister," pag amin ni Axel sa kuya ni Fiona, na kaibigan naman niya.
Hindi makapaniwala si Kevin, habang nakatingin sa kanilang dalawa ngayon. Tela pino-proseso pa ng kanyang utak ang kanyang mga nalaman ngayon.
"W-Wait? Is this serious?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Kevin sa kanila.
"Dude, yes, it's serious and I'm serious too, for courting her. Kaya sana matanggap mo ako bilang manliligaw ng kapatid mo," pahayag ni Axel.
Napapailing na nakatingin sa kanila si Kevin, at bahagyang tumingin kay Fiona.
"Totoo ba ito, Fiona? Kaya ka ba laging maaga kong umalis ay dahil dito ka pumupunta? Talagang ikaw pa ang pumupunta dito?" sita niya sa kapatid.
Hindi naman halos makatingin si Fiona sa kanyang kuya dahil sa sinabi nito. Ngunit, sa sitwasyon ngayon ay kailangan niyang umamin dito.
"Y-Yes, kuya.. I'm always preparing her breakfast. D-Dahil alam kong hindi siya agad nakakapagluto at ginagawa ko iyon, dahil kagustuhan ko," sagot naman ni Fiona.
Napabuga nang malalim na hininga si Kevin, habang seryosong nakatingin kay Fiona. Mayamaya ay bumaling siya kay Axel.
"Mag usap muna tayo, Axel at ikaw, Fiona.. umuwi ka muna dahil hinahanap ka pa nina Mommy. Go," sabi ni Kevin sa kanila.
Nagkatinginan naman sina Axel at Fiona. Pinisil ni Axel ang kamay nito, saka tumango upang sumang ayon sa gusto ng kapatid. Kaya walang nagawa si Fiona, kundi bitawan ang kamay nito at naglakad palabas ng pinto. Nang makalabas na s Fiona ay naiwan silang dalawa.
"Tsk! Bakit naman ang kapatid ko pa, Axel. Kilala kita, kilalang-kilala kita..kaya bakit ang kapatid ko pa?" seryosong tanong ni Kevin.
Napabuntong-hininga si Axel dahil sa sinabi ni Kevin. Naiintindihan naman niya ito, at alam rin niya, na alam nito kung anong klase siyang lalaki pagdating sa babae.
"Naiintindihan ko ang nais mong sabihin sa akin. Ngunit, ilang beses ko na ring iniwasan ang landas namin ni Fiona. Ayokong pumasok siya sa mundo ko, lalo na at kapatid mo siya. Subalit, kahit anong pilit kong umiwas ay talagang ipinaglalapit kami. Iniiwasan ko siya palagi, at ibinabaling sa iba ang atensyon ko. Ngunit, hindi pa rin nangyari.. sa kanya pa rin ako napunta, kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na makasama siya at iyon nga, matapos naming magkaaminang dalawa ay sinimulan ko siyang ligawan. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag saiyo iyon, kaya pasensya ka na at sana matanggap mo kung anong relasyon mayroon kami," mahabang paliwanag ni Axel kay Kevin.
Napatitig naman si Kevin sa kanya, matapos iyong sabihin at bahagyang nasapo ang noo. Talagang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman niya.
"Fine. If that's what both of you feels. But, I want to know something, did already happen to the two of you? Did you make love already?" muling tanong Kevin kay Axel.
Napangiti lang si Axel sa tanong na iyon ni Kevin, kaya bahagya itong napakunot noo sa naging tugon ni Axel.
"Well, of course not. You know me as a playboy, womanizer or whatever. It was all lust, for those ladies who played with me in bed. But Fiona, even though I want to touch her. I just can't, I respect her so much and I don't want her to be disappointed. I want to make it slow, I don't need to do that.. but I know it's close. Kevin, I know what you think about me. But, I want you to trust me. I respect your sister, more than she thinks," paliwanag ni Axel sa tanong ni Kevin sa kanya.
Napabuntong-hininga si Kevin at napatango-tango sa mga sinabi ni Axel. Alam rin niya na may isang si Axel, at talagang tutuparin nito ang sinasabi. Alam rin naman niya na may gusto ang kanyang kapatid dito at lagi niyang sinasabi kay Fiona na huwag si Axel, dahil nga sa gawain nito pagdating sa babae. Ngunit ngayon, ay naniniwala siyang aalagaan nito ang kapatid niya at r-respetuhin tulad nang sinasabi nito.
"Fine. I trust you. Ngunit syempre.. kailangan mong ligawan ng pormal ang kapatid ko, lalo na sa harap ng mga magulang namin. Kaya simula ngayon ay ikaw na ang pupunta sa bahay, hindi iyong siya ang pumupunta dito. Nagkaintindihan ba tayo?"
Napatango si Axel sa sinabing iyon ni Kevin at tinapik ang balikat ng kaibigan.
"Naiintindihan ko. Well, ano nga ulit ang sasabihin mo?" tanong ni Axel nang maalala kung bakit nga ba ito nandito ngayon sa bahay niya.
"Di bale na lang iyon, halika, sumama ka na lang sa akin at pupunta tayo sa bahay," anyaya ni Kevin.
Kaya sumunod na lang si Axel dito at sabay na silang lumabas ng bahay niya. Habang naglalakad sila ay panay ang kwentuhan nila at nasabi niya dito, kung paano sila nagkaaminan ni Fiona. Kaya naman, inaasahan na ni Axel kung ano ang magiging reaksyon nito. Tinawanan lang niya ito at bahagya lang siyang sinapak ni Kevin sa kanyang batok, habang tumatawa.