THIRD PERSON'S POV Ginising ni Axel si Estella, nang huminto na ang train at nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Unti-unti namang nagising si Estella, na hindi namalayang nakatulog pala siya. "Nandito na ba tayo?" tanong ni Estella at bahagyang napatingin sa paligid. Napatango naman si Axel at tumayo. "Oo, nandito na tayo. Halika, bumaba na tayo," anyaya ni Axel dito at iniabot kay Estella ang kanyang kamay. Napatingin pa doon si Estella, bago iyon tinanggap at tumayo. Bumitaw rin agad siya nang tumayo na siya at sabay na silang naglakad palabas ng train. Pareho silang napatingin sa paligid at may ilan din silang nakakasabay na maglakad. May ilan rin na abala sa mga ginagawa nito. "Sumakay tayo ng kabayo, papunta doon sa bayan na nakalagay sa address. Tulad nang sabi ko saiyo

