Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagdismaya at tila naiiyak na siya sa kanyang nakita. "Oh my ghad! I can believe this," sambit niya habang unti-unting bumababa ang sinasakyan namin. Kaya naman nang makababa na kami ay agad na lumapit si Estella kina Cassandra na nakita namin. "Cass! What happened her?" malungkot na tanong niya kay Cassandra. "May nagpasabog kanina dito at mabuti na lang at walang masyadong nasaktan," sabi sa kanya ni Cassandra. "Sino ang nagpasabog? Nakilala niyo ba? Mga Grover?" muling tanong ni Estella. "Hindi Grover, hindi namin alam kung sino, ngunit nasisiguro kong may koneksyon ito sa misyon ni Ate Alice. Dahil nakita namin ang kalahati ng isang panyo niya at alam mo kung gaano iyon ka-importante sa kanya di ba? Kaya nasisiguro akong may kinalaman ito sa misy

