WALA sa loob na nag-angat ng mukha si Honey nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Nag-iba kaagad ang pintig ng puso niya. Alam niyang walang ibang maaring makapasok sa apartment maliban kay Ben dahil may susi ito. At pamilyar ang narinig niyang mahinang katok. Bigla niyang binitiwan ang ballpen na hawak at nagmamadaling tinungo ang pinto para buksan iyon-at nabungaran niyang nakatayo roon ang taong dahilan ng maraming estrangherong emosyon sa dibdib niya. "Ben..." ang tanging nausal ni Honey. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman niya-pangungulila, sakit, pagmamahal? Hindi siya sigurado sa huli, pero kung ang pagbabasehan niya ay ang matinding pagnanais na yakapin ito nang mahigpit nang mga sandaling iyon ay masasabi niyang mahal na nga niya si Ben. Mahal niya ito sa kabila ng a

