BLANGKO ang espasyo sa tabi niya, iyon ang unang rumehistro sa isip ni Honey nang magising kinabukasan. Nagmulat siya ng mga mata. Tama ang hinala niya, mag-isa na lamang siya sa kama. Inaasahan na niya iyon pero masakit na masakit pa rin pala—na pagkatapos ng isang magandang karanasan niya sa piling ni Ben ay magigising siyang wala na ito. Na iniwan na siya. Na iniwan siya dahil hindi nito matanggap ang nangyari. Tama nga siya na lasing lang si Ben kaya may namagitan sa kanila. Siguro nga, tanga talaga siya. Nasa huwisyo siya nang gabing iyon pero pinayagan niya pa rin ang nangyari—dahil gusto niya, dahil iyon ang hiling ng damdamin niya. Marahan siyang bumangon. Tutal ay mag-isa lang naman siya sa bahay, puwede siyang umiyak hanggang gusto niya, hanggang masaid ang luha niya, at hanggan

