Three years later... HINDI na nagulat si Honey nang makita niyang si Rajed ang pumasok sa flower shop pagkatapos niyang marinig ang tunog ng glass door. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan kung ano ang pakay sa kanya ng lalaki at sumusulpot na lang sa mga espesyal na okasyon sa buhay niya, ganoon rin kapag kailangan niya ng tulong. Mula nang maglaho na lang na parang bula si Benito three years ago, si Rajed naman ang mistulang walang magawa sa buhay nito kaya siya ang pinag-aaksayahan ng panahon. Sumusulpot na lang ito sa exit ng University noon at nagpipilit na ihatid siya sa apartment na lagi niya namang tinatanggihan. Maraming pagkakataon rin na bumubulaga na lang sa apartment ang lalaki tuwing weekend noon at nagdadala ng pagkain. Kapag may sikat na banda na guest sa bar

