REECE Nakasimangot na umalis ako sa bahay ng Kuya Ravi ko. Kasalukuyan na namin binabagtas ni Serge ang daan patungo sa condo ko. Wala akong choice kung 'di umuwi dahil nabagot ako sa bahay ng kuya ko. Kaya nga ako pumunta doon para may makausap ako pero tinangay naman ni Kuya Ravi ang pinuntahan ko. Hindi ko alam kung kailan sila babalik. Ayoko manghula at ayaw kong maghintay. Hahayaan ko siya na gawin ang gusto niya pero oras na magkabistuhan, iiwan ko siya sa ere. Mas wala rin ako kakayahan na ipagtanggol siya dahil ano naman ang laban ng isang katulad ko? Twenty years old lang ako at wala pa akong ambag sa grupo. Ayoko rin pasukin ang grupo na kinabibilangan ng kuya ko dahil magulo. Ayaw rin ni Kuya Ravi dahil babae ako. Baka raw magkalat lang ako kapag pinasok niya ako sa grupo. Is

