LINDSY
Hindi ako makatulog kaya bumangon ako sa higaan. Ngunit ilang sandali lang ay humiga rin ulit ako. Hindi ako mapakali lalo na at palagi sumasagi sa isip ko ang lola ko. Nag-aalala ako dahil baka hindi na naman ito pinapakain sa tamang oras. Kapag nagtagal pa ako rito ay baka wala na akong lola na babalikan.
Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kung ano ang paraan na maaari kong gawin para makaalis ako sa lugar na ito. Sana ay hindi ko na tinanggap ang trabahong iyon, napahamak pa tuloy ako ng wala sa oras. Sabagay, sino ba naman ang mag-aakalang mangyayari pala ito.
Marahas akong nagbuga ng hangin. Kahit ano yatang paraan ang isipin ko para makaalis sa lugar na ito ay imposibleng mangyari. Nakakapanghina na makukulong ako sa malaking bahay na ito.
Sinulyapan ko ang wall clock, alas nuwebe na pala ng gabi. Nakaramdam ako bigla ng pangangalam ng sikmura. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Wala ba siyang balak na pakainin ako?
Napasulyap ako sa pintuan ng bumukas ito. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya na pumasok. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil baka isipin niya ay nakita ko siya.
"You have to take a shower. My room doesn't smell good anymore because of you," walang emosyon na sabi niya sabay bagsak ng dala niyang paper bag sa harap ko.
Natumba ang isang paper bag kaya lumabas ang laman nito. Kahit hindi ko tingnan at hawakan, sigurado ako na mamahalin ang damit na nakita ko.
Pasimple ko naman inamoy ang sarili ko. Napangiwi ako dahil amoy pawis na nga ako.
"Maligo ka pagkatapos ko," sabi niya pa.
Mabuti na lang at nakatalikod siya kaya malaya akong umirap at matalim ang tingin na pinukol ko sa kanya.
Oras na makatakas ako rito, isusuplong ko siya sa pulis. Kahit sabihin pa na dito ako dinala at wala siyang ginawang masama sa 'kin, kailangan pa rin niyang managot sa batas.
Habang nasa banyo siya ay tiningnan ko isa-isa ang mga paper bag na bitbit niya. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa presyo na nakita ko. Branded ang lahat ng damit na binili niya. Bakit kailangan pa niya ako bilhan ng ganito kamahal na damit eh, gagawin lang naman niya akong alila dito? Sabagay, ano ba naman ang alam niya sa mumurahing damit kung buong buhay niya ay namuhay siya ng marangya?
Hindi ko na narinig ang lagaslas ng tubig kaya mabilis kong binitawan ang hawak ko. Kinapa-kapa ko na lang ito at nagpanggap na naman akong bulag. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang panindigan ang pagiging bulag ko, pero hangga't maaari, dapat ako maging maingat sa bawat kilos ko. Mahirap na, baka kapag nalaman niyang hindi ako totoong bulag, matinding parusa ang maging kapalit.
"Your turn." Napalingon ako sa kanya. Ngunit gayon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko siyang walang saplot at tanging ibabang bahagi lang ng katawan niya ang nakabalot ng tuwalya. "What's wrong with your face? It's like you're seeing something."
Hindi ako nakaimik sa huli niyang sinabi. Tama siya, wala akong nakikita dahil bulag ako– bulag lang sa paningin niya.
Kinuha ko na lang ang nadampot ko. Umalis ako sa kama at naglakad. Ngunit kalaunan ay tumigil din ako. Baka isipin niya ay alam ko na kung nasaan ang banyo. Kaya naman ay pumihit ako sa direksyon kung saan ako nanggaling.
"H-hindi ko alam kung nasaan ang banyo," maang na sabi ko.
Hinintay ko siyang sumagot. Bahagya kong ginala ang mata ko at nahagip ko naman siya. Kung tama ang nakita ko, blangko na naman ang ekspresyon ng mukha niya at salubong ang kilay ngunit mataman siyang nakatitig sa 'kin.
Mahina akong napasinghap at napaatras ng makita ko na palapit siya sa akin. Kinakabahan ako na baka maubusan siya ng pasensya at maisip niya na nagkamali siya na kunin ako dahil nagkaroon pa siya ng alagain. Baka idispatsa na niya ako ng tuluyan.
Pigil ang hininga ng nasa harap ko na siya. Awtomatikong gumalaw ang kamay niya saka dumapo sa manggas ng damit ko ang daliri niya at parang tumitiris lang ng insekto na diring-diring na hinila ako patungo sa banyo. Daig pa niya ang babae kong paano niya hawakan ang damit ko. Ang sarap niya isako at itapon sa ilog Pasig. Ang arte niyang lalaki. Sarap sipain ng lalaking ito. Akala mo kung sinong malinis. Mabaho din naman ang utot n'ya.
"Anything else, Ms. Sy Aragon? O baka gusto mong ako pa ang magpaligo sa 'yo?" malamig na tanong niya dahilan para manlaki ang mata ko.
"H-hindi na, okay na ako rito. S-salamat." Kinapa ko ang pintuan para isara iyon. At kung hindi ako nagkakamali, may ngisi sa labi niya bago lumapat ang pintuan pasara.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala na siya sa paningin ko. Nilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang kamay ko dahil sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Pakimaramdam ko ay magkakasakit ako sa puso sa ginagawa kong pagpapanggap sa harap ng lalaking iyon. And the way he called my name, parang kakaiba. Basta, may kakaiba sa pagbigkas niya sa pangalan ko.
Napapikit ako ng nanuot sa ilong ko ang amoy ng loob ng shower room. Naiwan dito ang sabon na ginamit niya. Ang bango at parang hindi mo pagsasawaan singhutin.
Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong ginagawa ko. Kahit naman maligo siya ng ilang beses sa isang araw, hindi nito malilinis ang dumi niya sa katawan dahil masama ang gawain niya kung tama ang hinala ko na pinuno siya ng mga sindikato.
Pumasok ako sa shower room. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakaranas maligo sa shower room na katulad nito. Mukhang marami na ang pera ng lalaking iyon na galing sa masama kaya ganito rin kalaki ang shower room niya pati bahay.
Naghubad muna ako ng damit ko. Napasimangot naman ako ng maalala ko ang sinabi niya na mabaho na raw ang silid niya ng dahil sa 'kin nang inamoy ko ang hinubad kong damit.
"Akala mo naman hindi siya mabaho kapag pinagpapawisan. Palibhasa kasi ay palaging nasa aircon kaya hindi amoy pawis," reklamo ko.
Pinihit ko ang dutsa ng shower ngunit hindi ko inaasahan na dumaloy sa katawan ko ang malamig na tubig. Nanginig pa ako dahil sa lamig. Sinara ko muna at pinihit ko naman ang isa. Tumili na naman ako ng lumapat sa balat ko ang mainit na tubig. Hindi sumagi sa isip ko na may temperature din pala ang tubig dito. Ang buong akala ko ay sa hotel lang may ganito.
"What happened–"
"Ahhh!" sigaw ko ng marinig ko ang boses at makita ko siya sa harap ko. "Ano'ng ginagawa mo rito? Lumabas ka!" nanlalaki ang mata na utos ko. Nakalimutan kong big boss pala siya. Pero nasabi ko na at hindi ko na mababawi ang sinabi ko.
Kunot ang noo na tinitigan niya ako. Blangko ang ekspresyon ng mukha na nakatitig lang siya sa 'kin. Ilang sandali lang ay napaatras ako ng lumapit siya. Kagat ang ibabang labi ay napadaing ako dahil dumampi na naman ang mainit na tubig sa balat ko. Hindi ko na ito nasara dahil bigla siyang dumating.
Awtomatikon gumalaw ang kamay niya at pinihit ang isang dutsa at para niyang tinimpla ang tubig. Nang sapat na ang lamig at ang init ay muli niya akong hinarap.
"Hindi kita dinala rito para maging babysitter mo," salubong ang kilay na sabi niya.
Ilang sandali lang ay pinasadahan niya ako ng tingin. Sumilay ang ngisi sa labi niya pagkatapos niya iyon gawin. Napasinghap ako ng saka ko lang napagtanto na wala na pala akong suot na damit.
Tinakpan ko sa abot ng aking makakaya ang dapat takpan sa hubad kong katawan. Alam ko na hindi ako ang tipo niya dahil isa ako sa mga babae na napulot lang sa daan pero kung hindi kayang pigilan ang pagnanasa, baka may gawin siya sa akin at hindi ko iyon kayang tanggapin. Nakuha na nga niya ang first kiss ko, pati ba naman virginity ko ay siya rin ang makakakuha?
"I'm not interested in you, Sy Aragon, even if you spread your legs in front of me. You're not my type. You should bare that in mind."
Ouch! Expected ko na pero nasaktan pa rin ako. May itsura naman ako at hindi sa pagmamayabang, dalawa ang manliligaw ko. Pero dahil focus ako sa lola ko, hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Hindi na rin naman sila nagparamdam ng ilang linggo at hindi na nagpakita. Siguro dahil suko na sila sa 'kin dahil matagal nila akong sinuyo at paulit-ulit kong sinasabi na wala akong panahon pumasok sa isang relasyon.
Pero iba pala sa pakiramdam na marinig sa gwapong lalaki na hindi siya interasado sa 'kin. Tama, gwapo s'ya pero gwapong antipatiko. Sarap sabihin sa harap niya pero nagpigil ako.
"Hindi ka pala interesado pero bakit dinala mo pa ako rito?" hindi ko napigilang sabihin. Huli na para bawiin ko pa dahil alam kong narinig niya ang sinabi ko.
Salubong ang kilay na nakatingin lang siya sa akin. Mahirap basahin ang reaksyon na pinapakita niya kaya nahihirapan akong hulihin. Pakiwari ko'y magaling siya magtago ng emosyon sa harap ng ibang tao. At magugulat ka na lang na kahit kalmado siya sa harap mo, unti-unti ka pala niyang pinipira-piraso sa isip niya at kapag kayo na lang dalawa, ilalabas na niya ang tunay niyang emosyon.
"Let's just say that I can use you," nakangisi niyang sagot.
Sumikdo ang puso ko sa sinabi niya. Kinabahan ako sa binitawan niyang salita. Kung hindi siya interesado sa 'kin, baka sa iba niya ako ibenta. Diyos ko, hindi ko na matutupad ang pangako ko sa sarili na ibibigay ko ang virginity ko sa lalaking mahal ko. Ang malala pa nito, baka kung kani-kaninong lalaki niya ako ipagamit. Nanlulumo ako sa isiping iyon.
Nanakit ang lalamunan ko. Lumunok ako dahil parang may bumara dito. Nag-init ang mata ko at nangilid ang luha ko. Pasimple kong kinurap-kurap ang mata ko para hindi tuluyang bumagsak ang naipong luha sa mata ko.
"M-maliligo na ako," garalgal ang boses at dahan-dahan akong yumuko.
Sa isang iglap lang ay nawala ang pang-iinit ng mata ko dahil lumipat iyon sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay nangapal ang pisngi ko dahil sa init na naramdamdaman ko ng kumalat ang init sa buong mukha ko pati tenga ko.
Nanlalaki ang mata napatitig ako sa pagitan ng bahagi ng hita niya. Sa unang pagkakataon ay nakakita ako ng totoong ahas. Ahas na handa nang manuklaw dahil ang nakikita ko ay tirik na tirik sa harap ko. Hindi ko napansin na hubad pala siya. Siguro ay hindi pa siya nakakapagbihis kanina ng marinig akong tumili kaya napatakbo siya dito ng wala sa oras. Sana lang ay hindi niya nahalata ang naging reaksyon ko dahil nakayuko naman ako.
Sa sobrang gulat ko ay pumihit ako para tumalikod pero nagkamali ako ng hakbang kaya napatid ako ng sarili kong paa. Nawala ako sa balanse dahilan para muntikan na akong bumagsak sa tiles ngunit naagapan niya ako.
Nahawakan niya ako sa braso at mabilis na umikot ang kamay niya sa bewang ko. Hinapit niya ako sa bewang para hindi ako tuluyan bumagsak. Saka ko lang napagtanto ng naramdaman ko ang katawan niya sa katawan ko. At hindi lang 'yon, pati ang buhay na buhay niyang ahas ay naramdaman ko sa hita ko. At kapag kumilos isa sa amin, sigurado ako kung saan na dadapo ang naninigas niyang alaga.
"Bakit ba sunod-sunod ang kamalasan ko ngayong araw?" paghihimutok na tanong ng isip ko.
Nilapat ko ang kamay sa tapat ng dibdib niya para sana itulak siya ngunit nagkamali yata ako sa ginawa ko. Parang gusto ko na lang mag-stay ang kamay ko sa matigas at umbok niyang dibdib. Nasa kanya na yata ang lahat, mayaman, guwapo at maganda ang katawan. Maliban lang sa magaspang niyang ugali.
"M-maliligo na ako, big boss," sa wakas ay sabi ko.
Ngunit imbis na bitawan niya ako ay mas lalo lang niya ako hinapit sa bewang. Sa liit ng katawan ko ay kulang na lang madurog ang buto ko sa pagkakahapit niya sa bewang ko. Napapikit na lang ako dahil baka makalimutan kong nagpapanggap lang akong bulag.
"I've already seen your naked body, after all, so allow me to bathe you," bulong niya sa tenga ko dahilan para mapamulagat ako. Naramdaman ko rin na nagtaasan ang balahibo ko sa batok paakyat sa ulo ko.
Diyos ko, ito na nga ba ang ikinakatakot ko, mukhang ang tipo niya ang hindi kayang magbiro.