LINDSY
Hindi ako makagalaw at kahit gusto ko siya komprontohin ay hindi ko nagawa. Baka mas lalo lang siya maghinala kapag nagtanong ako. Hindi kaya pinaimbistigahan na niya ako? O kaya ay nakilala na niya ako? Pero imposible, dapat kinompronta na rin niya ako kung sakali dahil sigurado ako na malalaman niyang nagpapanggap lang akong bulag. Isa pa, sinabi ng may edad na babae na hindi dapat ako nagpanggap dahil ayaw ni big boss na may nagpapanggap sa pamamahay nito.
Nanatili lamang akong nakahiga at hindi na kumilos. Natatakot ako na baka may sabihin siya. Baka tuluyan na niya ako.
Pero hindi naman pwede manatili akong nakahiga. Nakakaramdam na rin ako ng tawag ng kalikasan tulad ngayon.
Bumuga ako ng hangin at nag-ipon ng lakas ng loob para magsalita. Siguro naman ay papayagan niya akong umalis lalo na at kailangan ko rin magbanyo.
"M-magbabanyo lang ako," mahina kong wika.
Naramdaman ko itong kumilos. Ilang sandali lang ay tinanggal na niya ang kamay sa bewang ko at umalis siya sa likuran ko. Pasimple ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga dahil magsisimula na naman akong magpanggap.
Bumangon ako at marahan akong umalis sa higaan. Napangiwi na naman ako dahil para na naman akong zombie kung maglakad. Kung may baston lang sana na ginagamit ng mga bulag ay hindi ako mahihirapan na magpanggap. Hindi ko tuloy alam kung paano ako pupunta sa banyo na hindi niya nahahalata na nakakakita ako.
Mabuti na lang kahit paano ay may ideya ako sa bulag. May mga kasama ako sa spa na bulag at napapanood ko rin sa mga movie kung paano sila kumilos. Nakatulong din iyon para mabawasan ang iniisip ko kung paano kumilos sa harap niya.
Kinapa-kapa ko ang bawat madaanan ko. Ngunit nakagat ko na lang ang labi ko ng may natabig akong gamit dahilan para bumagsak sa sahig. Nang sulyapan ko ay nanlaki ang mata ko. Picture frame ito at nagkalat ang bubog sa sahig.
"Ano ba naman, Lindsy, araw-araw ka na lang ba mamalasin?" pagalit ko sa sarili.
Simula ng sunggaban ko ang trabahong iyon ay sunod-sunod na ang kamalasan ko. Pero hindi ko naman pwede sisihin ang trabahong iyon dahil para iyon sa lola ko. Pero nasaan naman ako ngayon? Hindi ko na nga alam kung ano ang nagyayari sa lola ko dahil hanggang ngayon ay narito pa rin ako sa bahay na ito.
Mabilis akong kumilos at pinulot ang nahulog na frame. Nasobrahan naman yata ako sa pagpapanggap kaya pati mga gamit ay hindi ko na napapansin. Kinakabahan tuloy ako na baka nagising ko siya at tulad ng ginawa niya sa matandang babae ay sigawan din ako.
Nang akma kong kukunin ang picture frame ay may dumampot na nito. Hindi ko na kailangan sulyapan dahil alam kong siya iyon. At dahil bulag ako, kinapa ko pa rin ang sahig kung saan bumagsak ang frame.
"Leave it alone, I'll let the maid clean it,"
he said.
"O-okay lang. K-kasalanan ko naman eh," sagot ko habang kinakapa ang basag na frame.
"f**k. I said leave it alone!"
Dahil sa gulat ko ay hindi sinasadyang dumaplis sa daliri ko ang matalas na bubog. Napadaing ako sa sakit. Muntik na akong mapaiyak ng makita ko ang dugo sa daliri ko pero nagpigil ako.
Napaigik na lang ako sa sakit ng pwersahan niya akong pinatayo nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Nang mahagip ko siya ng aking mata ay nagtatagis ang bagang niya at matalim ang tinging pinupukol sa 'kin.
"Isa sa ayaw ko ay matigas ang ulo. Bulag ka kaya huwag mo na tangkain na gawin ang mga bagay na hindi mo naman kayang gawin. Naiintindihan mo ba ako?" tiim bagang niyang wika.
Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Sa sinabi niya ay parang minamaliit niya ang kakayahan ng mga bulag. Hindi ba niya alam na kahit bulag ang mga ito ay nagagawa nila ang imposible.
Marahas kong winaksi ang braso ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kung parurusahan niya ako dahil isa rules niya ay susuwayin ko, wala na akong pakialam. Gusto ko iparating sa kanya na hindi niya dapat minamaliit ang mga bulag.
"Alam kong bulag ako pero wala kang karapatan na maliitin kami. Wala kang karapatan na husgahan ang mga bulag!" asik ko at mabilis na tinungo ang banyo.
Nanlaki na lang ang mata ko at natutop ang bibig ko ng nasa loob na ako ng banyo. Saka ko lang napagtanto ang ginawa ko. Bulag nga pala ako pero bakit dire-diretso lang ako dito sa banyo? Mabilis kong natampal ang noo ko. Lagot na talaga ako nito. Ihahanda ko na ang sarili ko sa kaparusahan na ibibigay niya kapag naghinala siya sa akin. Anyway, parurusahan talaga niya ako dahil sa inasal ko sa kanya.
"Hindi ka nag-iisip, Lindsy," sita ko sa sarili.
Ilang minuto rin akong nagtagal sa loob ng banyo. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago lumabas. Paglabas ko ay pasimple kong ginala ang mata ko. Muntik na naman manlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Kailangan ba talagang nakahubad siya kapag nandito sa kwarto? Nagiging makasalanan ang mata ko ng dahil sa ginagawa niya. Paano ba naman, umagang-umaga ay tirik na tirik ang p*********i niya. Diyos ko, hindi ko na yata kayang tumagal dito lalo na at kasama ko siya rito sa kwarto. Kung hindi pa ako nakakaisip ng paraan para makaalis dito, sana naman ay ihiwalay niya ako ng kwarto. Baka hindi na ako makatulog ng maayos dahil sumasagi sa isip ko ang mga nakikita ko na bago lang sa mata ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakaupo kasi siya kung saan ako nakahiga. Hindi naman pwedeng iwasan ko siya dahil baka mahalata niya na nakikita ko siya. Kaya kahit alam ko kung saan siya nakaupo ay pinili ko na maupo malapit sa kanya. Kailangan ko na rin siguro ibaba ang pride ko dahil sa sinabi at inasal ko kanina. Hindi ko kasi gusto ang pananahimik niya. Pakiwari ko ay may kung anong pumapasok sa isip niya. At kahit hindi ko siya sulyapan ay alam kong nakatitig siya sa akin.
Hindi ko na rin napansin ang basag na frame pati nagkalat na salamin. Siya na kaya ang kusang nagtanggal?
"B-big boss, narito ka pa rin ba?" lakas loob kong tanong kahit alam ko na katabi ko siya.
Hindi siya sumagot. Kahit labag sa loob ko ay kinapa ko siya. Syempre, iisipin niya na baka iniisip ko na bumalik siya sa pagkakahiga. Ngunit nanlaki na naman ang mata ko dahil may kung ano akong nahawakan na mahaba kaya mabilis kong tinanggal ang kamay ko. Diyos ko, ano 'yon? Hindi naman siya nakaharap sa 'kin kaya bakit parang may nahawakan ako na kakaiba? At malay ko bang nakahubad pala siya eh, bulag nga ako hindi ba?
Pinilit kong huwag manginig at mag-pagpag ng kamay. Baka bawasan o kaya iwasan ko na rin ang kumapa dahil kung ano-ano nahahawakan ng kamay ko.
"P-pasensya na sa inasal ko kanina. H-hindi ko sinasadyang sigawan ka. K-kung parurusahan mo ako, h-handa kong tanggapin," utal kong wika. Pero deserved ko bang parusahan? "P-pasensya na rin sa nasira ko. Hayaan mo pag-trabahuhan ko na lang para mabayaran ko ang nasira ko," dugtong ko pa.
"Wala kang gagawin dito sa bahay," malamig niyang tugon.
"P-pero–"
"No 'but's'."
Napapitlag ako ng hawakan niya ang kamay ko. Awtomatikong inangat niya ito at iniwang nakatayo ang daliri ko na nasugatan ng bubog. Napasinghap na lang ako ng maramdaman ko kung ano ang ginawa niya sa daliri ko. He sucks my finger.
Parang gusto ko na lang mag-sign of the cross sa ginagawa nito. Pwede n'ya naman linisan pero bakit kailangan n'ya pa sipsipin? Parang gusto ko tuloy siya tanungin kung masarap ba ang dugo ko o kung bampira ba siya? Kung sumipsip kasi akala mo ay uubusin ang dugo ko.
"A-ano'ng ginagawa mo?" patay malisyang tanong ko.
"Isn't that obvious? I'm sucking your blood," sarkastikong sagot niya.
Akma kong babawiin ang kamay ko pero mabilis niya akong pinigilan. Mariin ko na lang nilapat ang labi ko ng dinilaan pa niya ang daliri ko. Ano kaya ang sumasagi sa isip niya habang ginagawa niya ito? O baka ako lang ang marumi ang utak?
Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan na niya ang kamay ko. Maya-maya lang ay tumayo siya. Yumuko ako dahil baka may makita na naman ako.
"Manang Lusing will bring your breakfast here. Dalawa lang ang pagpipilian mo, eat or else you'll die, Sy Aragon," puno ng pagbabanta niyang wika.
Pasimple akong napangiwi. Syempre, kakain na lang ako kaysa mamatay. Kung mamatay ako, ayoko makita ang pagmumukha niya.
Naglakad siya papuntang banyo. Dahil nakatalikod siya ay kitang-kita ng dalawang mata ko ang hubog ng katawan niya. He has broad shoulders. Even his back is braod and even if I hide behind him, no one will see me. Ang ganda rin ng flex ng muscle niya sa braso maging sa likuran. Hindi nakakatakot ang mga muscle niya sa tuwing gagalaw siya. Hindi katulad sa mga wrestlers na halos labas na ang ugat dahil sa laki ng katawan.
Hanggang sa bumaba ang mata ko sa puwitan niya. Napalabi ako ng makita ko kung gaano katambok ang pang-upo niya. Parang ang sarap hawakan at pisilin.
Pinilig ko ang ulo ko at nag-iwas na ng tingin sa kanya. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Sinampal ko na rin ang sarili ko para magising at matauhan ako. Alam kong gwapo siya pero hindi siya ang lalaking dapat pagpantasyahan. Masama siyang tao at kailangan ko iyon itatak sa isip ko.
Umalis ako sa kama ngunit kalaunan ay umupo rin ako. Gusto ko sana pumunta sa balkonahe para sumagap ng sariwang hangin ang kaso ay baka maghinala siya kung bakit alam ko na may balkonahe. Kaya kahit bagot na ako ay nanatili lang akong nakaupo. Baka kailangan ko rin siguro siya kausapin na kung pwede ay ilipat niya ako sa ibang kwarto. Mas magiging komportable ako kapag hindi ko siya kasama sa iisang silid.
Narinig ko ng bumukas ang pinto ng banyo. Gustuhin ko mang yumuko ay hindi ko na nagawa dahil nakita ko na siya– o mas tamang sabihin ay nakita ko na naman ang hubad niyang katawan. Napapaisip tuloy ako kung araw-araw ba siyang hubad sa harap ko?
Nakaligo na siya base sa pamamasa ng buhok niya at mga butil ng tubig sa katawan niya. Pinigilan ko na rin ang sarili na pasadahan siya ng tingin dahil baka makahalata siya.
"B-big boss?"
"What?"
"Dito ba talaga ako matutulog? I mean, dito talaga ang silid ko?" diretso ang tingin na tanong ko.
Hindi ko alam kung sinasadya niya. O baka nga wala pa siyang alam na nagpapanggap ako kaya wala siyang pakialam kahit hubad siya sa harap ko. Magtutuyo na lang kasi siya ng buhok ay sa harap ko pa.
"Why do you ask? You seem to have forgotten that I'm the only one to ask questions here in my own house?" malamig ang boses na tanong niya.
"Hindi naman tungkol sa 'yo ang tinanong ko, tungkol sa 'kin," prangkang sagot ko.
Tumigil siya sa pagpupunas ng buhok niya. At kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakatingin siya sa akin.
"B-big boss–"
"This is your room," aniya.
"Pero bakit dito ka naliligo at natutulog?"
"Because this is my room too? May problema ka ba sa set up ko?"
Hindi ko na siya sinagot. Ang sungit niya kausap. Ayaw niyang tinututulan ang mga ginagawa at sinasabi niya. Pero marami pa ako katanungan kaya dapat ay itanong ko na. Baka hindi lang ako mapakali kapag hindi ko sinabi sa kanya.
"Hanggang kailan mo ako ikukulong? Bulag ako kaya wala rin saysay kung tatakasan kita. Baka hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ay nahuli mo na ako," muling tanong at sabi ko.
"Yeah, your right. Hindi ka talaga makakatakas dahil maraming bantay sa labas ng bahay. Marami akong mata rito, Sy Aragon. Kaya kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo, huwag mo na tangkain dahil baka hindi ka santuhin ng mga tauhan ko. Anyway, sa 'kin pa lang ay hindi ka na makakatakas. So if I were you, behave yourself."
Napasimagot ako at ngumuso. Ang dami niyang sinabi. Bahala nga siya, hindi ko na siya kakausapin. Hindi pa ba siya aalis sa harap ko? Naaalibadbaran na ako sa kanya. Lalo na 'yung gumagalaw sa pagitan ng hita niya kapag nagpupunas siya ng buhok.
Pasimple akong ngumiti dahil tinalikuran na niya ako. Ilang minuto siyang nawala sa paningin ko dahil tinungo niya ang isang pintuan na sa tingin ko ay wardrobe niya. Tama nga ako dahil paglabas niya ay nakabihis na siya.
Pasimple ko siya hinagod ng tingin. Nakasuot siya ng formal attire o mas tamang sabihin na office attire. Mas lalong lumabas ang kakisigan niya sa suot niya. Ang gwapo niya tingnan. Gusto ko pa sana siya pagmasdan habang inaayos ang long-sleeved niya pero pinigilan ko na ang sarili ko dahil baka makita niya akong titig na titig sa kanya.
Ngunit pigil ang hininga ko ng humarap siya sa 'kin at naglakad palapit. Muntik na akong pumikit ng nanuot sa ilong ko ang pinaghalong sabon at ang perfume na ginamit niya na sigurado akong mamahalin ng ga-hibla na lang ang lapit niya sa akin. Ang bango ni big boss. Kahit yata singhutin ko buong maghapon ang amoy niya ay hindi ko pagsasawaan amuyin.
Napasinghap na lang ako ng yumukod siya at tinukod ang dalawamg kamay sa kama kaya para akong na-corner. Nilapit niya ang mukha sa akin dahilan para kapusan ako ng hininga. Gustuhin ko man umatras ay hindi pwede. Nakakainis, ang dami ko palang dapat isaalang-alang sa pagpapanggap kong bulag. Hindi ko pwedeng gawin ang mga bagay na gusto kong gawin dahil isang maling galaw ko lang, tapos na ang maliligayang araw ko.
"I like the way you pout your lips, Sy. And because of that, I want to do this…"
Bago ko pa man mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya, sakop na niya ang labi ko. Nanigas ang buong katawan ko at nanlalaki ang mata ko. Hindi ako makagalaw mula sa aking kinauupuan. Pati yata kaluluwa ko nanigas dahil sa ginawa nito. Sa ikalawang pagkakataon ay nahalikan na naman ako. At hindi na ito sinasadya dahil siya na ang kusang humalik sa 'kin.
"Help me!" naghuhumiyaw kong sigaw ng tulong sa aking isipan. Hindi dahil pangahas niya akong hinalikan kung 'di dahil, natatangay ako ng halik ng lalaking ito.