“Ilang minuto ka nang nakatayo riyan?” Napalunok ng laway si Aulora nang makita siya ni Eliezar. Kahit anong ingat niyang magtago, ay makikita at mararamdaman pa rin siya ni Eliezar. Alam niy kasi na hindi lang ito nagkaron ng kapangyarihan. Lumakas din ang pandidinig at pakiramdam nito. Kaya hindi niya masisisi si Eliezar kung malalaman niya agad na pinapanood niy ito. “May nakita ka ba?” Lumabas si Aulora sa kaniyang taguan at nginitian ang lalaki para mawala ang kaba nito. “Magsalita ka, nagtatanong ako sa’yo,” dagdag pa nito kaya nagising siya sa katotohanan. Ito na ba ang oras na kinakatakutan at kinakabahan siya. Sasabihin niya na ba ang sikreto niya kay Eliezar? Kung hindi niya pa kasi sasabihin, ay baka matagalan siya at mas lalo siyang kabahan. “Iyong apoy ba na nilalaro mo?

