Habang natutulog ang mga kaibigan ni Aulora, ay tinitignan niya ang maliit na susi na nasa kamay niya. Paano niya kaya magagamit ito? At paano siya makakapunta sa mundo niya? Saka kung nakita niya ang susi. Ang ibig ba no'n, ay nakita niya ang mga taong makakasama niya sa pagtalo kay Muzan? Napatingin bigla si Aulora kay Xia na ngayon, ay mahimbing nang natutulog. Tama ba ang naiisip niya ngayon? Na isa si Xia sa makakasama niya? Pero bakit siya? Kung isa siya sa makakasama niya nasaan na ang iba? Hindi kaya ang mga anak niya, ay kasama niya rin? Pero imposible dahil ang alam niya. Parusa ang nangyayare sa mga 'yun ngayon. Sigurado siya na hindi lang hirap ang mararanasan nila. Kung hindi pati ang hinagpis kung paano mabuhay ng sarili lang nila ang kanilang kasama. Napabuntong hining

