"Anong nangyare sa project ko?!" galit na sigaw ni Nia nang makita niya ang project na pinaghirapan niya ng ilang araw, ay sira at nasa sahig. "Sino ang may gawa niyo?" dagdag pa niya, pero nagsitawanan lang ang mga kaklase niya. Tinignan niya ang lalaki na malakas ang tawa hanggang sa mapansin siya ng lalaki. "Hindi ako ang may gawa niyan. Kaya huwag mo akong titigan ng masama, Nia. Baka mas lalo pang masira ang project mo. O kaya bakit hindi mo tanungin ang gwapo mong manliligaw na si Nerdy?" Kumunot ang noo ni Nia at tinignan ang lalaking inosente. Nananahimik lang ang lalaki at nagbabasa sa kaniyang libro, pero nang marinig niya ang kaniyang pangalan, ay kumunot ang noo niya. Nagsitinginan silang dalawa ni Nia. Nang makita niyang sumignal ito na hayaan na lang siya, ay bumalik na ul

