"May mga naiisip na ba kayong plano kung paano natin mahahanap ang mga taong napili ni Bathala?" tanong ni Reya nang makapasok sila sa kanilang tinutulugan. Kakatapos lang kasi ng kanilang trabaho at pagod na pagod sila. Hindi naman nila alam na buong araw pala nilang gagawin ang pagmomodel na sinasabi ng tumulong sa kanila na si Aulora. Ang akala nila kasi, ay madali lang. 'Yun pala nakakangalay at napakatagal ng papipicture sa kanila. Isang studio rin kasi sila kaya kailangan muna nilang hintayin na matapos ang isa sa kanila bago sumunod ang isa. "Wala pa dahil hindi ko maisip 'yan sa sobrang busy natin araw-araw. Saka bakit ba natin iniisip 'yan? Hindi ba dapat ang iniisip natin ngayon ay kung paano tayo mabubuhay a mundong 'to? O kaya kung paano tayo mag-aadjust." "Nag-iisip ka ba

