"Handa na ba kayo?" tanong ni Killian sa kaniyang tatlong kapatid. "Kailangan ba talaga nating ibigaay ang ating mga kapangyarihan sa iba? Ang mga kapangyarihan na lang natin ang naiwan na alala sa ating Ina. Kaya baka naan meron pang ibang mga paraan?" saad naman ni Viper. "Meron ka pa bang naiisip na paraan, Viper? Kasi kung meron, pwede mo namang sabihin dito." "Wala." "Wala naman pala. E 'di huwag mong sabihin sa akin na kung meron pang paraan dahil wala na. Wala tayong choice kung hindi ang gawin 'to. Sa tingin mo ba gusto rin namin bigay sa iba ang aming mga kapangyarihan? Wala namang may gusto rito. Kaya huwag ka nang magsalita riyan. Sumunod ka na lang sa ritwal na gagawin natin dahil sabay-sabay natin 'tong gagawin." Napabuntong hininga na lang si Viper, dahil kapatid na lal

