Kabanata LXII

2186 Words
"Namiss ko kayo!" sigaw ni Xia nang makita nila sila Aulora na pumasok sa dorm nila. "Grabe para kayong pumunta sa America dahil amoy States kayo ahh. Kumusta bakasyon? May pasalubong ba kayong dala? Naku 'yun pa naman ang gusto ko kapag galing kayong bakasyon. Alam niyo na pagkain." dagdag pa nito. Nang makaupo ang dalawa sa kanilang mga kama, ay pinalo ni Nia si Xia dahil napakadaldal nito. "Ano ka ba naman, Xia? Kakarating lang nila tapos pasalubong agad ang hinanap mo? Pagpahingahin mo kaya sila muna? Ang dami mo kasing agad daldal." "Sorry naman. Gusto ko lang naman makipagchika sa kanila e. So ano meron sa bakasyon niyo? Masaya ba?" Humiga si Aulora sa kaniyang kama at natulog. Pati rin si Lene, gano'n ang ginawa. Wala silang balak magkwento kung ano ang nangyare sa bakasyon nila dahil hindi naman bakasyon 'yun e. Lamay lang at dalawang araw na pahinga sa hotel. Saka baka maging malungkot lang sila kapag kinewento nila ang nangyare sa mga kaibigan nila. Ano naman ang ikekwento nila? Kung paano sila nalungkot? Kung ano ang naramdaman ni Lene nong nalaman niyang namatay na ang tatay niya? O ang pag kalibing ng tatay nito? Alin diyan sa tatlo na 'yan? "Ayan kasi, hindi ka tuloy pinansin. Hindi mo naman kasi agad magtanong ng gano'n. Pagod kasi sila. Kaya ayusin mo mga tanong mo." "Ano namang masama sa tanong ko? Nangamusta lang naman ako tapos nagsabi kung merong pasalubong. Hindi naman masama 'yun hindi ba? Wala namang problema sa tanong ko." "Kung sa'yo hindi, para sa kanila oo. Hindi mo na kailangan sabihin kung tama o mali ba ang sinabi mo dahil mali nga. Mali." "Shut up!" Napatingin ang dalawang magkaibigan kay Lene dahil sumigaw ito. Nagpapahinga kasi ang dalawa, pero hindi man lang tumahimik ang dalawa. "Hayaan niyo munang magpahinga si Lene dahil hindi siya nakatulog sa byahe kanina." Napatungo ang dalawang magkaibigan sa sinabi ni Aulora. Tumayo si Aulora at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Masakit kasi ang lalamunan ni Aulora. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya may kumikiliti rin sa lalamunan niya. Kaya hindi siya makafocus sa kanilang sinasabi. "May gamot ba kayo para sa lalamunan?" tanong ni Aulora sa magkaibigan. "Wala, paracetamol lang ang meron kami," sagot naman ni Nia. "Pero meron naman diyang butika malapit lang dito sa building natin. Sure ako na meron silang gamot doon na para sa sakit ng lalamunan. Ako na lang ba ang bibili? Pwede naman," dagdag pa nito. "Hindi, ako na lang ang lalabas. Thank you." Kinuha ni Aulora ang wallet niya sa kaniyang bag at lumabas na ng dorm. Saan daw yung butika na sinasabi ni Nia? Babalik na sana siya sa dorm nang lumabas si Eliezar sa dorm nito. "Saan ka pupunta?" tanong nito kaya napalunok ng laway si Aulora. Naalala niya na naman tuloy ang nangyare sa kanilang dalawa nong magkausap sila. "Flash In like a tornado I will make it a thunder Just to see you smile Just to see you laugh I will make it better." Biglang tumahimik si Eliezar. "Ano? Maganda ba boses ko? Bakit hidni ka na nagsasalita riyan? Parang kanina lang inaasar mo ako ah? Tapos ngayon tahimik ka na? Ano nangyare?" [You have an angelic voice.] Namula ang pisngi niya at biglang nag-init. Ito na naman ang nararamdaman niya. Naramdaman niya ito noong gabing 'yun, pero hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman 'yun. Bakit ba gano'n? Ano ba ang ibig sabihin no'n? Hindi kaya gusto niya na si Eliezar? Hindi, hindi 'yun gano'n kabilis. Hindi pwede saka bawal. "Sa butika," nauutal na sagot ni Aulora. Kaya napangisi si Eliezar at lunapit sa kaniya. "Alam mo ba kung saan ang butika?" "Uhm." Iniisip niya kung saan niya makikita ang butika, pero hindi niya talaga alam kung saan 'yun. "Hindi ko alam, pero pwede ko naman hanapin na lang diyan. Ang sabi kasi ni Nia, ay malapit lang daw ang butika rito sa building natin. Hindi ko nga lang alam kung saang malapit 'yun," dagdag pa ni Aulora. "Alam ko kung saan 'yun. Gusto mo bang samahan na kita?" Wala ata siyang choice kung hindi ang magpasama kay Eliezar. Wala siyang magagawa kung hindi ang kausapin at lapitan ito. Yari na naman siya sa kaibigan niya dahil malalaman nito na nakasama niya si Eliezar dahil ayaw kasi nito na nakikipag-usap siya kay Eliezar. Alam kasi nito na bawal siyang magmahal. Ang hirap maging dyosa. Pati ba naman pagmamahalan ay bawal. Matutorture niya ata ang sarili niya kapag pipigilan niya ang nararamdaman niya para kay Eliezar, pero kung maiinlove siya sa lalaki. Ano naman ang rason kung bakit? I mean, wala naman kasi siyang nakikitang maganda kay Eliezar. Hindi naman sa wala, merong araw na sweet ang lalaki, pero mas lamamg lang talaga yung kasungitan nito at kasamaan. Ayaw niya kasi sa lalaking gano'n. Siguro hindi niya talaga gsuto si Eliezar. Sadyang ang lalaki lang na 'yun ang nasa tabi niya kaya gano'n siya makapagreact. Oo, tama nga 'yun. Hindi na siya mag-iisip ng kung ano-ano. Kailangan niyang maging maingat sa mga kinikilos niya dahil baka mali na ang mga ginagawa niya. "So? Kumusta naman ang bakasyon niyo?" "Masaya naman, dahil sa pag-extend ng araw, ay mas lalo kong nakilala ang magulang ni Lene. Ang saya nila masama. Nag-enjoy kaming dalawa, pero kilala mo naman si Lene masyadong seryoso ang mukha, pero kita naman sa mga mata niya na nag-eenjoy siya at masaya." Naging seryoso ang mukha ni Aulora dahil alam niya naman an hindi talaga 'yun ang nangyare sa walang kwentang bakasyon nila. Kung hindi lang talaga namatay ang tatay ni Lene, ay isang araw lang sila sa lugar na 'yun, pero hindi naman nila inaasahan na mawawala ito ng maaga. Aaminin niya, hindi niya nagusto ang nangyare dahil grabe ang naging apekto non sa kaibigan niya. Kung naisip lang nila ng maaga ang naisip niya noon, ay baka nabantayan nila ang tatay ni Lene. Hindi tuloy mawala ang pagsisisi ni Lene sa sarili nito kung bakit namatay ang tatay nito. "Bakit parang hindi naman kayo masaya?" Napatingin agad si Aulora kay Eliezar. Ngumiti ang lalaki at tumingin sa dinadaanan nila. "Sa mukha mo pa lang kasi, ay parang hindi kayo naging masaya sa bakasyon niyo," dagdag pa nito. Kaya nakahinga ng maayos si Aulora. Ang akala niya alam na ni Eliezar kung ano ang ginawa nila. Buti naman at hindi dahil kung alam nito, ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin at malalagot siya kay Lene. "Hindi, masaya talaga siya. Malungkot lang ako dahil ang bilis namin magkakahiwalay. Sa ilang araw na kasi na 'yun, ay napamahal na ako sa kanila at para ko na silang mga magulang. Kaya malungkot ako. Ang saya kasi nila kasama, hindi ko nga inaasahan na gano'n sila e. Ang akala ko kasi seryoso rin ang magulamg niya katulad ni Lene. Alam mo na may pinagmahan ba gano'n, pero walang seryoso sa kanila. Si Lene lang talaga." "Dalawa lang naman ang problema niyan e. Kung ang isang tao, ay seryoso. Una, may pinagmahan. Pangalawa, may malaking problema. Eh, katulad ng sabi mo kanina, e wala naman siyang pinagmahan. E 'di may malaking problema si Lene." "Parang wala naman siyang problema. Hindi niya kasi sinasabi sa akin e. Alam ko naman na kapag may problema 'yun, ay sinasabi niya sa akin. Kahit nga sa paglalait ng mga tao binubulong niya sa akin." Bumuntong hininga si Aulora. Pinipilit niya talaga na sabihan si Eliezar ng mga kasinungalingan para hindi ito magtaka. Para sa kapakanan din nila 'to. "E 'di wala. Seryoso lang talaga siya. Kasi choice naman niya 'yun e. Kung gusto niyang magbago o hindi. Kaso ayaw niyang magbago dahil siguro nasanay na siya sa gano'n ekspresyon. Pwede ring simula nong bata siya, ay seryoso na siya. Kaha nasanay na siya hanggang sa paglaki niya." "Pwede rin." Buti naman at wala siyang nasasabing kung ano-ano. Minsan kasi dumudulas ang mga sinasabi niya. Hindi niya napapansin. Kaya sa ngayon, ay binabantayan niya ang mga salita niya. Mahirap na baka may malaman si Eliezar na hindi pwede nitong malaman. Malalagot talaga siya kay Lene. Baka itaboy na siya ng kaibigan niya. "Nandito na tayo. Ano ba ang bibilihin mo?" "Ang totoo niyan hindi ko alam kung ano ang iinumin kong gamot." Kumunot ang noo ni Eliezar, pero nawala rin ito dahil tumawa ang lalaki. "Pupunta kang butika, pero hindi mo alam kung anong gamot ang bibilihin mo? Seryoso ka ba riyan, Aulora?" Tinignan ni Aulora ng seryoso si Eliezar. Kaya tumigil sa pagtatawa ang lalaki. "Titigil ka rin pala e. Kailangan ka pang titigan ng seryoso para mawala 'yang tawa mo." "Seryoso, ano nga ang pinunta mo rito sa butika? Anong gamot ang bibilihin mo?" "Hindi ko kasi alam kung anong gamot ang bibilihin ko, pero masakit kasi ang lalamunan ko at makati. Ano ba ang dapat na gamot ang inumin ko?" "Ako na lang ang bahala. Pumunta ka muna sa gilid, para nakikita kita habang nakapila ako dahil kapag iniwan kita rito, ay baka mawala ka na. Nakidnap ka na pala hindi ko man lang alam." "Anong tingin mo sa akin. Hindi kayang protektahan ang sarili?" "Hindi ko 'yan sinabi. Ikaw ang magsabi niyan sa sarili mo." Nang makapila ang lalaki, ay nagdadabog siyang pumunta sa gilid. Tinignan niya naman ang lalaki. Nakangisi itong nakatingin sa kaniya. Kaya tinaasan niya ito ng kilay. Ang kapal niyang asarin si Aulora. Ano ba ang meron sa lalaking 'to? Hindi naman ganito ang lalaki noon ah? Nagbago na lang ba bigla ang ugali nito? Pero paano magbabago ang lalaking 'yun? Pabago-bago ang mga ugali ng mga kaibigan niya. Pero aaminin niya, nagugustuhan niya ang bagong ugali ni Eliezar ngayon. Pakiramdam niya kilala na nila ang isa't isa at close na sila. Pero siyempre kailangan niya pa ring maging maingay. Hindi siya pwedeng mainlove sa lalaki dahil bawal. Ilang beses niyang papaalahanin ang sarili na bawal siyang magmahal. "Ito na ang gamot mo. Inumin mo 'yan ng maayos dahil kapag hindi mo 'yan ininom ng maayos, ay baka masira ang lalamunan mo." "Seryoso ba?" "Oo, basahin mo ng maayos ang instructions." Kinabahan tuloy si Aulora. Palpak pa naman siya da mga gano'ng bagay. "Biro lang, huwag mo masyadong seryosohin. Madali lang 'yan inom-inom ka lang. Hindi mo kailangan mastress sa gamot na 'yan. Effective naman 'yan e dahil 'yan palagi ang ginagamit ko kapag masakit ang lalamunan ko." Binatukan niya ng malakas si Eliezar. "Aray! Grabe namang batok 'yun, Aulora. Babae ka ba talaga? Bakit gano'n ka kalakas mangbatok? Hindi ka siguro babae. May lawit ka ano?" "Anong lawit?" "Lawit, tite. Hindi mo alam 'yun?" "Wala akong lawit. Kung ano-ano ang sinasabi mo riyan. Manahimik ka nga ang dugyot mo. Nakakadiri ka!" Tawa anng tawa si Eliezar kaya mas lalong naiinis si Aulora. "Ang sarap mong asarin," tumatawang saad nito. Wala pa rin itong tigil sa pagtatawa. Kaya nakapoker face si Aulora hanggang sa makapasok sila sa building. "Huwag kang magpapakita sa akin dahil kapag nakita—." "Anong gagawin mo sa akin?" pagpuputol ni Eliezar. Naging seryoso ang mukha ng lalaki at lumapit kay Aulora. "Anong gagawin mo sa akin, Aulora?" Naging makalma at mahina ang boses ni Eliezar. Kaya nakaramdam ng kiliti si Aulora sa kaniya tyan. "Wala, lumayo ka nga. Nakakadiri ka!" Tinulak ni Aulora si Eliezar palayo sa kaniya at pumasok agad sa dorm. "Oh? Bakit parang may humabol sa'yong kabayo?" natatawang saad ni Xia. Meron lang multo sa labas. Natakot ako kaya tumakbo ako papunta rito. Hindi ko kilala ang multong 'yun." Nagtago si Xia sa likod ni Nia. Kaya mahinang tumawa si Nia. Baka kasi magising si Lene. "Hindi totoo ang mga multo, Xia. Huwag ka na tumago sa likod ko. Nagmumukha ka lang diyang tanga." "So ano ang dahilan kung bakit ka hingal na hingal, Aulora?" tanong ulit ni Xia. "May multo nga sa labas." Pagkatapos niyang sbaihin 'yun, ay pumasok siya sa kusina para inumin ang kaniyang gamot. "Sabi ko sa'yo totoo ang mga multo e. Hindi lang talaga natin sila nakikita kasi nga mga kaluluwa sila at mga tao tayo. Kaya nakakatakot." "Ewan ko sa'yo talaga. Nakakainis ka na. Ang dami mong kaartihan. Hindi mo na nga nakikita tapos takot ka pa? Nasaan ang utak mo, Xia?" "Nasa pwet." "Iyan, kadugyutan lang ang alam mo. Ang sarap mong kotongan!" "Sorry na!!" Pagkatapos uminom ni Aulora ng kaniyang gamot ay lumabas na siya sa kusina at nakita niya si Lene na nakatayo na. "Tapos ka na matulog? Ang bilis naman ata?" "Nagising ako dahil sa dalawang babaeng 'yan. Napakaingay nila, alam na ngang may tuloy sumisigaw pa. Nasaan ba ang mga magulang ng mga 'to? Kuhain na nga nila ang mga anak nila rito." Napakamot ng ulo ang dalawang magkaibigan nang makapasok si Lene sa banyo. "Ang ingay niyo kasi. Gisingin niyonna ang lahat. Huwag lang si Lene dahil alam nating lahat na kapag nagising natin si Lene, ay galit na 'yan. Wala na 'yan sa mood. Kaya maghanda na tayo ah? Bad mood na 'yan." "Nakakatakot," sabay na saad ng dalawang magkaibigan habang magkahawak ang dalawang kamay sabay magkayakap pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD