"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Aulora kay Lene nang matapos ilibing ang tatay nito.
"Ano ba ang pag-uusapan natin? Basta ayaw ko munang pag-usapan ang tatay ko dahil kakalibing niya pa lang."
"Hindi naman siya ang pag-uusapan natin e. Ang advance mo talaga mag-isip ano? Pero ayus naman kung advance ka mag-isip. Huwag ka nga lang maging oa." Bumuntong hininga si Lene at kinuha ang kamay ni Aulora sabay hinila ito papunta sa lugar na sila lang dalawa.
"Ano ba ang pag-uusapan natin?"
"About 'to sa kinabukasan mo." Kumunot ang noo ni Lene at hinihintay si Aulora na magsalita. "Handa kaming tulungan ka. Kaya gusto sana naming sa bahay ka na tumira. I mean, aampunin ka ng nga magulang ko."
"Tingin mo ba sa akin, ay hindi ko kayang buhayin ang sarili ko? Na makikisiksik ako sa inyo?"
"Hindi gano'n 'yun, Lene. Ang gusto ko lang sana na magkaroon ka ng panibagong pamilya at gusto ko rin na bago ako umalis sa mundong 'to, ay masaya sila dahil meron ulit silang anak na magbabantay sa kanila. Gusto kong maging maayos ang buhay mo, Lene. Ito lang ang naiisip kong paraan. Kahit ito lang ang maitutulong mo sa akin."
"Ano ba ang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan."
"Magiging kapatid kita. Magiging pamilya ka namin kapag pumayag ka. Kami ang magpaparamdam sa'yo ng mga bagay na hindi mo pa nararamdaman at sisiguraduhin ko na magiging masaya ka kasama namin." Hindi makapagsalita si Lene dahil hiyang-hiya na siya. Ayaw niya kasing maging palamunin. Ang gusto niya, ay siya ang magpapakain sa sarili niya.
"Pag-isipan mo ng mabuti, Lene. Dahil gusto ng mga magulang ko na alagaan ka rin nila. Ayaw daw nila na nahihirapan ka at mag-isa. Hindi mo naman kailangan mahiya e. Mahalaga ka na sa kanila. Kailangan ka rin nila at ikaw din. Kailangan mo sila, Lene. Hindi naman pwedeng mag-isa kang kumakayod para sa sarili mo. Tinutulungan ka namin, Lene. Kaya sana pumayag ka sa magandang opurtunidad na 'to. Hinihintay ka rin ng magulang ko."
"Sinasabi mo ba na gusto mo rin ng ganito dahil gusto mong may maiwan sa magulang mo? Iyon ba ang iniisip mo?"
"Hindi lang 'yun. Iniisip ko rin ang kapakanan mo. Ayaw kong iwan kita rito ng mag-isa lang. Gusto kong makita kang masaya bago ako umalis." Ano ba ang isasagot niya sa kaibigan niya? Kapag ba pumayag siya sa gusto ng kaibigan niya, ay magiging masaya siya? Hindi naman siguro masama kung papayag siya sa gusto ng kaibigan niya hindi ba?
Nagkaroon na siya ng bagong pamilya natulungan niya pa ang kaibigan niya.
"Huwag ka na mahiya, Lene. Alam naman na ng magulang ko kung ano ang plano ko. Basta sabihin mo lang na payag ka at kakausapin na natin ang magulang ko. Parang anak na rin naman ang tingin nila sa'yo at ako naman, ay kapatid na ang turing ko sa'yo."
"Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo."
"Sige, bibigyan kita ng ilang araw para makapag-isip. Basta sabihin mo lang sa akin kung handa ka na. Para maayos na agad natin ang mga papel mo."
***
"Ano na kaya ang nangyare kila Aulora? Ilang araw din silang hindi bumabalik sa dorm ah?" tanong ni Nia sa kaniyang kaibigan na si Xia.
"Hindi ko rin alam, pero siguro naman ayus lang sila. Malaki naman na sila at kaya nila ang kanilang sarili. Hindi ba pupunta lang sila sa magulang ni Lene? Kaya ayus lang ang mga 'yun. Huwag ka na sa kanila mag-alala."
"Hindi ba pwedeng mag-alala lang sa mga kaibigan natin?"
"Nag-aalala rin naman ako, pero ano ang magagawa natin? E hindi nga man lang sila nagrereply da mga text natin e. Sayang lang din ang ating pag-alala. Maging kampante na lang tayo na sana ayus lang sila." Kaninanpa sila nag-uusap magkaibigan at habang nagkekwentuhannsila ay biglang may kumatok sa kanilang pintuan.
"Yes po?" saad ni Xia bago niya buksan ang pintuan. Nang mabuksan niya naman ito bumungad sa kaniya ang pangit na mukha ni Azaiah. "Napakapangit mo talaga. Bakit ka ba nandito? Ano na naman ang kailangan mo?" dagdag pa ni Xia. Kaya napatawa si Azaiah.
"Gusto ko lang magtanong."
"Magtanong ka na para masara ko na 'tong pintuan."
"Hoy, Xia! Umayos ka nga riyan. Ang aga-aga ang init ng ulo mo! Papasukin mo ang dalawang lalaki riyan! Mahiya ka naman sa kanila." Kinunutan ng noo ni Xia si Azaiah dahil ayaw niya talagang papasukin ang lalaki sa loob ng dorm nila. Kapag kasi pinapasok niya ito sa loob, ay baka asarin na naman siya nito at hindi mapikon na naman siya.
"Pumasok na nga kayong dalawa rito. Ang aga-aga kasi pumupunta kayo rito. Wala ba kayong mga pasok at dito kayo pumupunta?" inis na saad ni Xia.
"Ikaw ang aga-aga tapos ang init ng ulo mo. Gusto lang naman namin magtanong tapos pinag-iinitan mo kami ng ulo? Baliw ka na ba talaga? O sadyang baliw ka na talaga matagal na?"
"Ikaw naiinis na talaga ako sa iyo e. Kung hindi ka lang talaga kaibigan ng mga kaibigan ko hindi kita magiging kaibigan e."
"Manahimik ka nga, Xia. Ano ba ang tanong niyo, Eliezar?" pagsisingit ni Nia.
"Gusto lang namin malaman kung nakauwi na ba sina Aulora?"
"Nakikita niyo ba siya dito?" sarcastic na saad ni Xia.
"Wala."
"Oh, e 'di hindi pa siya nakakauwi." Kinurot ni Nia ang tagiliran ng kaniyang kaibigan para manahimik. Hindi niya na talaga nagugustuhan ang mga sinasabi ng kaniyang kaibigan.
"Pagpasensyahan niyo na ang kaibigan ko. Kilala niyo naman na siya ano? Hindi ko alam kung kailan makakabalik sina Aulora. Hindi rin nila sinasagot ang nga tawag ko at lalong-lalo na ang mga text namin. Baka busy lang ang dalawang 'yun at nag-eenjoy kasama ang pamilya ni Lene. Hayaan niyo na lang muna sila."
"Sige pala, aalis na kami. Pakisabihan na lang ako kapag nakauwi na siya ah?"
"Walang problema, Eliezar. Sisiguraduhin ko na kayo ang unang makakaalam ng pagbabalik nila."
"Okay." Pagkatapos sabihin 'yun ni Eliezar, ay lumabas na sila sa dorm.ng mga kaibigan nila at pumasok sa dorm nila.
"Ilang araw na rin sila wala ahh? Bakit parang ang tagal naman nila?"
"Hindi ko rin alam."
"Namimiss mo na ba siya?" Nakita ni Eliezar na nakangisi na ngayon ang mukha ng kaibigan niya kaya naging seryoso ang mukha niya. Pinag-iisipan na naman siguro siya ng kaibigan niya ng kung ano-ano.
"Ano na naman ang iniisip mo riyan?"
"Wala lang, ang sa akin lang. Kung namimiss mo siya, ay pwede mo naman siyang tawagan. Wala namang problema ron e."
"Kung tatawagan ko siya, gagawan mo kami ng issue. Baka isipin mong may gusto ako sa kaniya. Kaya huwag na lang."
"Ikaw ang bahala, kung ayaw mong tawagan e 'di huwag. Nagsuggest lang naman ako ng gagawin mo e."
"Hindi nga raw sinasagot ang mga tawag nina Nia hindi ba? Kaya hindi niya rin sasagutin ang tawag ko. Kaya hindi na ako tatawag. Masasayang lang ang load ko."
"Ewan ko sa'yo bahala ka."
***
Nakatingin si Aulora sa dingding habang katabi niya si Lene na natutulog.
Kahit anong gawin niya talaga, ay hindi siya makatulog. Kahit ipikit niya pa ng matagal ang mga mata niya, ay hindi pa rin siya makakatulog.
Bumuntong hininga na lang siya at tumayo. Lumabas siya ng kwarto at nakita niya ang cellphone niya sa maliit na lamesa nagriring. Sino naman ang tumatawag sa kaniya sa ganitong oras?
Sa ngayon kasi nagstay sila sa isang hotel na pwede nilang pagpahingahan. Gusto muna niyang ilayo si Lene sa lugar kung saan hindi niya maaalala ang tatay nito. Gusto niyang maging maayos ang kalagayan ni Lene bago sila bumalik sa kanilang mga kaibigan at mastress ulit dahil sa mga problema nila na kailangan pa nilang gawin.
Tinignan niya kung sino ang tumatawag at nakita niya ang pangalan ni Eliezar. Agad niya naman itong sinagot at inalagay sa tenga ang phone.
"Hello, Eliezar?"
[Uhm.]
"Anong uhm? Ayus lang ba kayo? Bakit ka napatawag."
[Gusto ko lang sana malaman kung kailan ka uuwi?]
"Hindi ko alam e."
[Gano'n ba? Matatagalan ba kayo riyan?]
"Oo ata e. Ang sabi kasi ng magulang ni Lene na gusto niyang makasama kami ng ilan pang araw. Kahit sabihin namin na may pasok kami, ay pinipilit pa rin kami na huwag muna umalis. Nakakahiya naman tumanggi dahil sila ang nakakatanda at masaya naman dito."
[Tawagan mo ang mga kaibigan mo dahil nag-aalala na sila sa inyo. Gusto ka raw nila makausap na.]
"Sabihin mo na lang na masaya kami rito ni Lene at baka matagalan pa kami sa pag-uwi."
[Bilisan niyo ahh?]
"Bakit?"
[Nothing, basta bilisan niyo dahil madami na kayong absent. Baka mahuli kayo sa mga lessons.]
"Gano'n ba? Sige sabihan ko ang mga magulang ni Lene at si Lene na rin para alam nila. Ayaw din kasi namin mahuli sa mga lessons at baka bumagsak kami kasi palagi kaming late."
[Sige, mag-iingat kayo riyan.]
"Oo, kayo rin. Pakisabihan na lang sila Nia ah?"
[Oo.]
"Sige, babye."
[Hindi ka ba makatulog?]
"Paano mo nalaman?"
[Anong oras na kasi, pero nasagot mo pa rin ang tawag ko.]
"Hindi ka rin makatulog?"
[Oo, nag-iisip ako kung ano ang mga bagay na kailangan kong gawin para makatulog. Hindi ko rin kasi alam kung paano.]
"Gano'n ba? Ako rin nga e." Pagsisinungaling ni Aulora. Ang totoo niyan ay hinfi niya talaga iniisip kung ano ang pwede noyang gawin para makatulog. Ang iniisip niya kung ano mga kailangan niyang gawin para maging maayos na ang kanilang mga problema. Kung paano nila hahanapin ang katawan ng nanay ni Lene dahil alam nila na mahihirapan na sila. Namatay na kasi ang tatay nito. Wala na silang makukuhang memorya galing sa nakaraan.
[Bakit hindi mo ulit subukan matulog? Baka makakatulog ka na niyan?]
"Pwede bang kantahan mo ako?
[Hindi ko alam kung alam kung alam mo 'tong kantang 'to, pero ito lang kasi ang kanta na kabisado ko. Kaya ito na lang ang kakantahin ko.]
"Ano ba ang pamagat niyan?"
[My Baby.]
"Ang weird naman ng pamagat ng kanta."
[Alam ko, pero nakakatawa kasi yung lyrics. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko nakabisado 'yun e.]
"Oh siya, kantahin mo na 'yan. Gusto ko nang marinig e."
[Sige, pero wait lang isipin ko muna 'yung tono. Nakalimutan ko kasi.
Hindi ka ba makatulog?
Gusto mo bang kantahan kita?
Gusto mo bang marinig ang boses ko?
O gusto mo bang maramdaman ang yakap ko?
Oh, gandang babae na gusto kong mahalin!
Hindi ako magsasawang ika'y haranahin.
Hindi ko kailangan ng iba dahil ikaw lang, ay sapat na.
Nahihirapan ka ba?
Nalulungkot ka ba?
Gusto ko lang naman na mapasa akin ka.
Lalalalala, oh baby.
Ikaw lang ang aking mamahalin.
Lalalalala, oh honey.
Ikaw lang ang aking haharanahin.
Lalalalala, oh darling.
Ikaw lang at wala ng iba
Dahil ikaw lang, ay sapat na.
Hindi naman ako babaero.
Hindi naman ako manloloko.
Kaya kung ako sa'yo ako na 'yong pipiliin wala nang iba.
Ikaw ba ay nanlalamig?
Ikaw ba ay nag iinit?
Dahil ako ay nandito lang para ika'y yakapin.
Ikaw ba ay nahihilo?
Masakit ba ang 'yong katawan?
Hindi kasi ako magdadalawang isip na hilutin at alagaan ka.
Lalalalala, oh baby.
Ikaw lang ang aking mamahalin.
Lalalalala, oh honey.
Ikaw lang ang aking haharanahin.
Lalalalala, oh darling.
Ikaw lang at wala ng iba
Dahil ikaw lang, ay sapat na.
Hindi naman ako babaero.
Hindi naman ako manloloko.
Kaya kung ako sa'yo ako na 'yong pipiliin wala nang iba.
Ako na lang.
Ako na lang.
Ako na lang at wala ng iba.
Oh, please oh baby.
Ayus na ba 'yang kanta ko?]
"Grabe nga, ang weird ng lyrics tapos ang weird pa ng pamagat. Saan mo ba nalaman ang kantang 'yan?"
[Hindi ko alam, sa spots ata 'yan? Ewan ko, oh kaya sa ibang musc platforms. Hindi ko na rin kasi matandaan dahil matagal na 'yang kantang 'yan.]
"Kaya pala, gusto mo bang kantahan din kita?"
[May alam kang mga kanta?]
"Wala," tumawa si Aulora at tumahimik din.
[Huwag na lang baka kung ano pang kanta ang makanta mo sa akin. Ayaw kong masira ang eardrums ko.]
"Ay, wow. Hindi mo pa nga ako naririnig kumanta tapos binibiro mo na ang boses ko na gan'yan?"
[Example kasi. Kung pinarinig mo na sa akin boses mo e 'di sana hindi na kita biniro hindi ba?]
"Oo na, ano ba ang gusto mong kanta na kantahin ko? Wala kasi akong alam na kanta. Isisearch ko na lang sa chromee para malaman ko yung tono at lyrics."
[Mukhang delekado ata ako rito ah.]
"Sige na, huwag ka mo na akong pikunin diyan. Dahil kapag napikon ako hindi mo ako maririnig kumanta."
[Opo, Madam. Flash In by Ryzen Magduyin.]
"Wait lang ah." Sinearch ni Aulora ang kantang 'yun sa chromee ang nang makita niya ang lyrics ay pinanood niya ang video ng kanta para malaman niya ang tono.
"Flash In like a tornado
I will make it a thunder
Just to see you smile
Just to see you laugh
I will make it better."
Biglang tumahimik si Eliezar.
"Ano? Maganda ba boses ko? Bakit hidni ka na nagsasalita riyan? Parang kanina lang inaasar mo ako ah? Tapos ngayon tahimik ka na? Ano nangyare?"
[You have an angelic voice.]