Kabanata XXXV

1550 Words
“Handa ka na ba?” tanong ni Aulora kay Lene nang makita nilang dalawa na tulog na tulog na ang mga kaibigan nila. “Sigurado ka bang kaya mong gawin ‘to? Pwede naman nating puntahan na lang ulit ang daddy ko.” “Alam kong mangyare sa inyong dalawa kanina, Lene. Saka madali lang naman ‘tong gagawin ko. Hindi ko nga lang alam kung mapapaginipan niya ngayon ang nakaraan niya. May mga tao kasi talagang napapaginipan ang kanilang nakaraan at sana mapaginipan niya.” “Hindi ko alam, pero nakakaramdam kasi ako ng masama. Pwede naman din nating gawin na lang bukas, Hindi naman ako nagmamadali, Aulora. Kung hindi mo talaga kaya. Huwag na nating ipilit.” “Masakit lang ang ulo ko. Hindi naman buong katawan. Huwag kang oa riyan dahil wala namang mangyayare sa akin. Kahit ang maire, ay sinubukan akong pigilan sa trabaho ko, pero hindi sila nagwagi dahil mas kaya ko sila. Mas demonyo si Muzan kaysa sa mga kalaban mo. Kaya, kaya ko ‘yun.” “Bakit hindi natin isama si Eliezar? Para may back-up tayo kung sakaling may mangyare.” “Nahihibang ka na ba? Akala ko ba matalino ka? Bakit sinasama mo si Eliezar e hindi naman niya alam kung ano ako? Wala ng atrasan ‘to. Kailangan na natin ‘tong gawin.” Nang makalabas sila sa building, ay hinawakan ni Aulora ang kamay ni Lene sabay nagteleport sa bubong ng building. Sa umpisa, ay nalula si Lene, pero nang ibalance niya ang kaniyang sarili, ay nasanay din naman siya kaya tinignan niya si Aulora na nakangiti sa kaniya. “Dito ko ginagawa trabaho ko, pero dahil kasama kita. Sa iba natin ‘yun gagawin.” Kumunot ang noo ni Lene nang ngumisi sa kaniya si Aulora. Pinanood niya ang babae na gumawa ng madaming clouds. Nang makita niyang umangkas sa cloud si Aulora, ay sumakay na rin siya. “Dito mo makikita kung gaano kaganda ang Grimson City kapag gabi.” Namangha si Lene sa nakikita dahil unang beses niya pa lang ito nakita. Masaya rin siya. Kahit malungkot siya kanina, ay nandito naman si Aulora para pasayahin siya. Ngayon niya lang naramdaman ang totoong saya na nanggaling sa kaibigan niya. Hindi niya irn kasi naramdaman ang saya na ‘to sa mga dati niyang kaibigan. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Aulora. “Umiiyak ba ako?” Tinignan ng mabuti ni Aulora ang mata ni Lene at umiiyak nga ito dahil ang luha nito ay tumutulo. “Hindi mo ba alam na umiiyak ka?” Hinawakan ni Lene ang kaniyang pisngi at naramdaman niya ang basa. Hindi niya alam na umiiyak na pala siya. Dahil siguro bumabalik sa kaniya ang mga nangyare sa kaniya noon kasama ang mga kaibigan niya. Lalong-lalo na ang tatay niya. Hindi siya makapaniwala na sasabihin sa kaniya ng tatay niya ‘yun. “Ayus ka lang ba? Gusto mo bang bumaba na tayo at sa bubong na lang natin gawin?” “Hindi ituloy na natin. Mas gusto kong ganito tayo dahil parang komportable ako rito.” “Sigurado ka?” Humiga si Lene sa cloud at tinignan ang magandang langit. “Gusto ko ng isang payapang lugar katulad nito. Sa totoo lang gusto ko nang sumuko dahil palagi na lang nagiging magulo ang buhay ko. Wala naman akong magagawa dahil hindi nila ako tinitigilan hanggat hindi ko nahahanap ang katawan ng nanay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gustong-gusto ko nang sumuko.” “Kaya nga kasama mo ako hindi ba? Huwag mo kasing isipin na nag-iisa ka. Kasama mo ako rito oh. Hindi naman kita tutulungan kung hindi kita kaibigan.” Itinaas ni Aulora ang kaniyang mga kamay at pumikit. Pinakiramdaman niya ang buong katawan niya na maglabas ng mga wires na magpapaconnect ng mga utak ng tao sa kaniya. Pinanood ni Lene ang kaibigan niya kung paano gawin ‘yun. Namangha siya sa mga parang string na umiilaw na lumalabas sa kamay ni Aulora at nagspread ito sa buong mundo. Nang matapos ang ginagawa ni Aulora, ay tumingin siya kay Lene at humiga sa tabi niya. “Palaging ganito ang trabaho ko. Napakaganda hindi ba?” “Sobrang ganda.” “Kailangan nating hintayin ang panaginip ng tatay mo na magrespond. Kapag nagrespond na, ay pwede na natin makita ang panaginip niya. Pwede natin ‘yun paulit-ulitin.” “Ang ibig mo bang sabihin, ay hindi mo iibahin ang panaginip niya? Hahayaan mo siyang mapaginipan ang nakaraan na kinakakatakutan niya?” “Oo, alam kong bawal ‘yun, pero kailangan kong gawin dahil gusto kitang tulungan. Hindi naman siguro magagalit sa akin si Drimeathrya dahil sa maganda ko naman ginagamit ang pangyarihan ko. Maiintindihan niya ‘yun.” “Sigurado ka?” “Oo, kaya huwag kang mastress diyan. Relax ka lang dapat. Panoodin mo na lang ang langit dahil ‘yan ang magbibigay sa’yo ng payapa kahit ilang oras lang.” “Thank you.” “You don’t have to thank me. Kusa akong tumulong kaya ako dapat ang nagpapasalamat sa’yo dahil hinayaan mo ako sa gusto ko. Gusto kong tulungan ka, Lene. Pero palagi mong tinatangihan dahil akala mo kaya mo. Kaya mo, pero may oras na hindi mo kaya at pinipilit mo na lang ang sarili mo na kaya mo.” Habang nagkekwentuhan sila dalawa, ay biglang umiba ang kulay ng mga mata ni Aulora. Naging full black ito. “Alagaan mo nga ang sarili mong anak, Grace! Ayaw kong nakikita ‘yan dito sa sarili kong bahay! Kung pwede lang ‘yan palayasin sa bahay ko, ay pinalayas k o na ‘yan!” rinig ng batang Nickian ang mga sinabi ng kaniyang tatay. Nakasilip kasi siya sa pintuan ng kwarto ng kaniyang magulang at alam niya na pinag-aawayan na naman nila siya. Sa tuwing nakikita kasi siya ng tatay niya, ay bigla na lang itong nagagalit at binubugbog siya. “Anak natin siya, Veljamin. Bakit ba hindi mo na lang mahalin si Nickian? Walang ginawa ang bata kung hindi ang mahalin ka, pero hindi mo siya kayang mahalin ng pabalik. Hindi ka ba naaawa sa anak natin?” Nakita niyang hinabunot ng lalaki ang nanay niya kaya tinakpan niya ang kaniyang bibig para hindi marinig ang iyak niya. “Sumasagot ka na ngayon sa akin? Sino ba ang mas mahal mo? Ako o ‘yang hampaslupa mong anak?” “Ano ba, Veljamin! Nasasaktan ako. Bitawan mo ang buhok ko!” “Hindi kita titigilan hanggat pinagtatanggol mo ang batang ‘yun!” Napanood niya ang scene kung paano bugbogin ng tatay niya ang nanay niya. Wala naman siyang magawa kung hindi ang manood na lang dahil isa lang siyang bata na hindi kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Araw-araw niyang nakikita ang pagbubugbog sa nanay niya pati na rin sa sarili niya. Halos maaawa na nga ang mga kapatid niya sa kaniya dahil sa tuwing nakikita nila siya, ay puro pasa at sugat ang buong katawan niya. Wala rin namang magawa ang mga kapatid niya dahil kapag nangialam sila, ay baka madamay sila. Pati sa paaralan, ay kung ano-ano ang sinasabi sa kaniya. Nakikita kasi ng mga bata na ang dami niyang sugat at tinatawag siyang galis at nakakadiri. “Sorry, anak,” umiiyak na saad ng nanay niya sa kaniya nang makapasok ito sa kwarto niya. “Ilang beses kitang pinagtanggol, pero hindi na kaya ni Mama. Mahal na mahal kita, pero mas mahal ko ang tatay mo. Hindi ko siya pwedeng suwayin o kaya iwan. Gusto kong alagaan at protektahan ka, pero hindi ko magawa. Hindi ko na kaya.” “Bakit po kayo umiiyak, Mama? Huwag na po kayong malungkot. Mas maganda po kayo kapag nakangiti kayo.” Mas lalong humagulgol ang nanay niya dahil ang inosente ng anak niya. Kaya niyakap niya na lang ang anak niya ng mahigpit. “Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.” “Grace! Nandyan ka na naman sa kwarto ng hampaslupa mong anak! Kung tuluyan ko kaya kayong dalawa?! Hindi ba mas maganda kung mawala na kayo rito pata wala ng sakit sa ulo ko!? Lumabas ka sa kwartong ‘yan!” Hinarap ng nanay niya ang mukha ni Nickian sa kaniya. “Kahit anong mangyare, ay huwag na huwag kang lalabas sa kwarto ‘to. Naiintindihan mo ba ako, anak? Kapag may nakapasok ng kwarto mo, ay maghanap ka ng pagtataguan mo. Magtago ka sa ilalim ng kama mo para hindi ka nila makita.” Pagkahalik ng nanay niya sa noo niya ay nakita niya na lang ang kaniyang sarili na mag-isa sa loob ng kwarto. Agad siyang gumapang papasok sa ilalim ng kama niya at hinintay na may makapasok sa loob ng kwarto. Nang mabuk--. Biglang naging normal ang mga mata ni Aulora at nakita niya si Lene na sa ibabaw niya. “Ano ang nangyayare sa’yo? Bakit hindi mo ako sinasagot sa mga tanong ko?” Tinignan niya ng may pagkaawa si Lene at pinunasan ang mukha. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Panaginip ba ‘yun ng tatay ni Lene? Alam niya ‘yun ang panaginip niya dahil familliar sa kaniya ang mga pangalan na nabanggit sa panaginip na ‘yun. “Ano ang nangyare?” “Nakita ko ang panaginip ng tatay mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD