“Hindi natin pwedeng pag-usapan ang pamilya ko, Raelene.”
“Kapag sinabi kong pag-uusapan natin, pag-uusapan natin. Bago ka magkwento. Gusto kong maligo ka muna. Naiinis ako sa tuwing naaamoy ko ang mabaho mong hininga. Kaya pumunta sa ka banyo at maligo.” Sumimangot ang mukha ng tatay niya at tumayo. “Ishave mo na rin ang buhok sa mukha mo dahil hindi bagay sa’yo,” dagdag pa ni Lene.
“Hindi ko alam kung anak ba kita o asawa.” Inirapan ni Lene ang tatay niya bago ito umakyat sa taas para maligo.
“Gan’yan ba talaga kayo ng tatay mo mag-usap?” tanong ni Aulora. Pumunta silang dalawa sa kusina para sana kumuha ng pagkain sa refrigerator, pero pagkabukas ni Lene ng ref, ay puro alak ang nakita nila.
Sinarado niya ng galit ang refrigerator.
“Kahit kailan talaga hindi marunong mabuhay ng maayos ang tatay ko mag-isa.”
“Kung alam mo naman pala na hindi niya kaya mabuhay ng mag-isa. Bakit mo pa siya iniwan at napagdesisyonan na mag-aral sa malayo?”
“Ang gusto niyang gawin ko, ay hindi na mag-aral at layuan ang mga kaibigan ko. Noon kasi hindi ko sineseryoso ang pag-aaral ko. Palagi akong na eexpell dahil palaging lumalapit sa akin ang gulo. Halos lahat na ng paaralan, ay ayaw akong tanggapin. Kaya nga napagdesisyonan ng tatay ko na pag-aralin ako sa Keimusho University. Ang hindi ko lang maintindihan, ay alam niya na nga na may kakaibang elemento ang paaralan na ‘yun, doon niya pa ako pinasok.”
“Bakit parang ang haba naman ng ikekwento mo sa kain, pero pinapaikli mo lang? Teka nga, hindi ko rin maintindihan ang pinupunta ng tatay mo kung bakit ayaw ka niya pag-aralin ulit.”
“Dahil siguro natatakaw siya na baka mangyare ulit ang nangyare sa totoo kong nanay, pero iba na ngayon. Kailangan ko pa rin malaman kung ano ang totoong kwento sa pamilya ng tatay ko. May karapatan naman akong malaman.”
“Hindi kaya ayaw niya lang talagang sabihin dahil matagal na? I mean ayaw niya nang pag-usapan . Meron namang gano’n. Siyempre ayaw niya nang maalala at ikwento dahil traumatic para sa kaniya ‘yun.”
“I don’t think so. Hindi ‘yun ang nararamdaman ko. ‘Yung sinabi ko na baka natatakot siya sa mangyayare sa akin, ay rason ko lang ‘yun dahil alam kong iba ang rason niya kung bakit niya ako pag-aralin ulit.”
“Ano pala ang totoo niyang rason?”
“Pakiramdam ko ayaw niya akong pag-aralin ulit sa paaralan na ‘yun dahil meron siyang pinoprotektahan.”
“Ahh? Sino naman?”
“Ang pamilya niya. Kaya nga sabi niya kanina, ay bawal namin pag-usapan ang pamilya niya dahil meron siyang pinoprotektahan.”
“Hindi ba meron kang kapangyarihan para makita ang nakaraan? Bakit hindi mo gamitin sa kaniya?”
“Iyan ang isa sa problema ko. Lahat nakikita ko maliban lang sa nakaraan ng tatay ko pati ng pamilya niya. Kaya nga nagpagdesisyonon ko na puntahan ang tatay ko para kausapin siya tungkol sa nakaraan niya.”
“May nakikita ka bang rason kung bakit hindi mo makita ang nakaraan niya?”
“Hindi ko alam, pero parang may humaharang sa akin na mapunta sa nakaraan niya. May naiisip ka bang rason kung bakit nagiging ganito?”
“Isa lang ang ibig sabihin niyan. Ayaw ng demonyo na malaman mo ang nakaraan ng tatay mo. Kaya meron talagang tinatago ang tatay mo. Kailangan mo ‘yun malaman. Kung hindi niya sasabihin sa’yo ang nakaraan niya, ay pwede naman kitang tulungan.”
“Kaya mo akong matulungan para makita ang nakaraan ng tatay ko? Hindi ka mapipigilan na malaman ang totoo?”
“Isa akong dyosa, Lene. Hindi ko hahayaan na matalo niya ako. Saka ako ang may control sa mga tao. Kaya hindi siya makakapasok.”
“Saka na antin pag-usapan ‘yan kapag hindi talaga sasabihin sa akin ni Daddy.”
Nang maramdaman nila na pababa na ang lalaki, ay bumalik na sila sa sala.
“Ang akala ko umalis na kayo. Buti na lang naubos na ang alak ko. Kaya bumaba ako para kumuha.” Kumunot ang noo ni Lene nang makita niya ang tatay niya na hindi pa rin naliligo.
Inis na tumayo si Lene at pinuntahan ang tatay niya sa sala. Bubuksan na sana ng lalaki ang refrigerator nang agad itong isinara ni Lene.
“Pumunta kami rito para kausapin ka. Hindi para makipagbastusan sa’yo.”
“Ang sabi ko, wala akong sasabihin tungkol sa pamilya ko. Ayaw kong pag-usapan ang bagay na ‘yun dahil ayaw ko ng maalala.”
“Anak mo ako. Kaya may karapatan akong malaman kung ano ang nangyare sa pamilya mo.”
“Anak pala kita?” Pinanood ni Lene ang tatay niya na buksan ang refrigerator at kumuha ng alak sabay binuksan ito. “Kailan kita naging anak?” dagdag pa nito na nagpatahimik kay Lene.
“Daddy!” sigaw ng batang Lene habang umiiyak. Meron kasing nagpaiyak sa kaniya sa playground. Kaya hinahanap niya ang tatay niya para magsumbong. “Meron pong lalaki na pinapagalitan ako ron sa playground. Pagalitan mo rin po sila!”
Ngumiti ang tatay ni Lene at nilapitan siya sabay binuhat.
“Hindi natin sila kailangan pagalitan dahil meron silang sariling magulang. Sila ang magdidisiplina sa kanilang mga anak.”
“Gano’n po ba ‘yun? Parang hindi po kasi sila pinapagalitan ng kanilang mga magulang dahil gano’n pa rin po ang ugali nila. Palagi na lang po nila akong inaaway.”
“Huwag mong intindihin ang mga ibang tao na nasa paligid mo. Hindi ba kasama mo naman si daddy? Mahal mo naman ako at masaya naman tayo kasama si Mommy mo. Kaya kami na lang muna ang intindihin mo okay?”
“Yes po, Daddy. I love you.” Hinalikan ni Lene ang tatay niya sa pisngi.
“I love you too, anak. Stay with me, okay? You’re my princess.”
Bigla na lang naramdaman ni Lene ang pagtulo ng isang butil sa kaliwa niyang mata. Pinunasan naman agad ‘yun ni Lene ‘yun para hindi siya makita ng lalaki.
“Hindi mo ba talaga sasabihin?”
“Hindi magbabago ang isip ko, Lene. Sinabi ko ng hindi ko sasabihin sa’yo. Simula noong umalis ka rito, ay tinakwil na kita bilang anak ko. Kaya wala ka ng karapatan para malaman kung ano ang nangyare sa pamilya ko. Magsama kayo ng stepmom mo.” Hindi makagalaw si Lene sa kaniyang kinakatayuan hanggang sa umalis ang tatay niya sa harap niya.
“Are you okay?” Nakahinga ng maayos si Lene nang hawakan siya ni Aulora sa balikan.
“I am not okay.”
“May nangyare ba?”
“Hindi mo ba narinig ang usapan namin?”
“Hindi ako pwedeng makinig sa usapan niyo dahil kailangan niyo ng space. Kailangan niyo rin mag-usap.”
“Wala na kaming pwedeng pag-usapan pa.”
“Bakit? May nangyare ba kanina? Pwede mo naman sabihin sa akin kung ano ang nangyare dahil hindi naman pwedeng damdamin mo na lang ang napag-usapan niyo kanina.”
Ikiniyom ni Lene ang kaniyang dalawang kamay at luamabas na ng bahay.
“Pag-uusapan ba natin mamaya kung ano ang gagawin natin? Kasi pwede naman nating gawin mamayang gabi para makita natin kung ano ang nakaraan ng tatay mo.”
“Paano mo gagawin ‘yun?”
“Nasaan lahat ng panaginip ng mga tao at kasama roon ang tatay mo. Kaya alam ko kung ano ang napapaginnipan niya araw-araw, pero hindi ko naman alam na siya pala ang tatay mo. Kaya palagi kong pinapalitan ng maganda ang panaginip niya.”
“Let’s do that later.”
**
“Wala silang dalawa rito,” kinakabahan na saad ni Nia nang makapasok sila sa dorm. Wala kasi silang nakitang Lene at Aulora sa loob. “Nasaan na sila?” dagdag pa nito.
“Hindi kaya sinama ni Lene si Aulora? Kaya wala silang dalawa rito?” saad naman ni Azaiah. Nang makapasok silang lahat sa dorm, ay agad silang umupo sa mga upuan.
“Hindi ko alam, kasi ang sabi sa akin ni Aulora, ay masakit ang ulo niya. Kay anga siya hindi pumasok dahil masakit ang ulo niya. Tapos sasama siya kay Lene? Hindi kaya nagpasama si Lene kay Aulora?”
“Iyon na nga ang pinupunto ko, Xia. Hindi mo lang talaga ako naintindihan.” Inirapan ni Xia si Azaiah dahil sa inis.
Lahat sila napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas.
“Saan kayo nanggaling?” tanong agad ni Eliezar kila Aulora at Lene na pawis na pwis.
“Pumunta kami sa bahay nina Lene.” Lahat sila ay napatayo.
“Hindi niyo man lang kami sinama? Saka masakit ang ulo mo hindi ba? Bakit ka sumama?” inis na saad ni Nia kay Aulora at umupo ulit sila.
“Pinilit lang naman ako ni Lene. Kaya sumama ako sa kaniya. Totoong masakit ang ulo ko. Hanggang ngayon nga masakit pa rin.” Nilapitan ni Nia si Aulora at hinawakan ang noo nito.
“Wala ka namang sakit. Uminom ka na ba ng gamot?”
“Hindi gumagana sa akin ang gamot. Kaya hindi na ako umiinom.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Simula bata ako, sa tuwing nagkakasakit ako, ay hindi tumatalab sa akin ang gamot. Kusa na lang itong gumagaling. Kaya hihitayin ko lang mawala ang sakit ng ulo ko.”